^

Probinsiya

Tren sinuwag ng tanker truck, nadiskaril

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.
Tren sinuwag ng tanker truck, nadiskaril
Humambalang sa daan ang isang oil tanker truck at tren ng PNR matapos magsalpukan sanhi upang madiskaril ang bagon ng tren at magkatrapik sa Maharlika Highway sa Brgy. Paloyon Proper, Nabua, Camarines Sur nitong Sabado.
Credit: Radyo Pilipinas

NABUA, Camarines Sur, Philippines — Nadiskaril ang bagon ng tren ng Philippine National Railways (PNR) matapos banggain ng isang oil tanker truck habang tumatawid sa railroad crossing ng Maharlika National Highway sa Brgy.Paloyon Proper, Nabua, Camarines Sur kahapon ng madaling araw.

Isinugod sa Bicol Medical Center sa Naga City ang sugatang driver ng flammable tanker truck (CBQ-3688) na kinilalang si Jeric Guiriba, 41-anyos, ng Manresa, Quezon City. 

Sa ulat, dakong alas-2:50 ng madaling araw maayos na bumabagtas ang commuter train na may body number na 2520-PNR na pinatatakbo ni Cesar Cariño, 55-anyos, galing ng Naga City patungong bayan ng Polangui sa Albay nang habang tumatawid sa railroad crossing nang biglang salpukin ng rumaragasang oil tanker truck.

Sa lakas ng pagkakabangga, umangat ang bagon ng tren at nadiskaril ang tren sa rail rack nito.

Parehong nagtamo ng malaking pinsala ang trak at tren habang sugatan ang driver ng una na mabilis isinugod sa pagamutan.

Bahagya namang nagkaroon ng bigat sa daloy ng trapiko sa lugar makaraan ang aksidente na agad namang naayos ng rumespondeng mga pulis. 

Humingi ng paumanhin ang PNR Magament sa nangyaring aksidente habang nanawagan sa publiko na mag-ingat sa pagtawid at sundin lagi ang “safety principle” ng stop, look and listen.

ACCIDENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with