Pamilyadong businessman / producer, nandakma ng actor / politician
Nagkaroon pala ng malaking gulo sa isang bar kamakailan lang nang umeksena ang isang businessman/producer sa isang guwapong actor/politician na ikinabigla ng lahat na nakasaksi roon.
Kilala ng ibang taga-showbiz itong si businessman/producer dahil sa ilang shows na napo-produce nito.
Pamilyado siya, pero tila open naman ito sa kanyang kabadingan, dahil ilang beses din siyang na-link sa ilang guwapong actor/models.
Ayon sa kuwentong nakarating sa amin, hindi lang siya sure kung papuntang CR si actor/politician, na kung saan ay nagkasalubong sila nitong businessman/producer.
Medyo lasing na raw itong si businessman/producer at baka dala na rin ng kalasingan, nag-iba siguro ang pakiramdam nang makita ang kakisigan ni actor/politician. Naka-jogging pants lang daw itong si actor/politician at nabigla raw si businessman/producer sa malaking nakaumbok sa suot nitong jogging pants.
Bigla ba naman daw dinaklot ni businessman/producer ang nakaumbok sa bandang harapan ni actor/politician na sobrang ikinabigla nito.
Nagkagulo raw sa bar dahil siyempre nagalit si actor/politician.
May mga ka-meeting pa raw na nasa pulitika rin. Kaya hiyang-hiya siya sa ginawa sa kanya ‘bading’ na lasing na.
Hanggang sa umabot daw sila sa presinto, dahil pina-blotter siya nitong actor/politician.
Gusto raw nitong magsampa ng reklamo laban kay businessman/producer.
Hanggang pinatawag pa raw ang asawa ni businessman/producer at nagtanong pa raw si wifey sa kasamang kaibigan kung bading ba talaga ang asawa niya, o baka napagtripan lang dakmain ang harapan ni actor/politician.
Hanggang dun na lang ang nakuha naming kuwento, dahil hindi pa raw sure ang aming source kung natuloy sa pagsampa ng reklamo.
Medyo matigas din daw itong si businessman/producer dahil ayaw raw mag-apologize. Kung anu-ano raw ang mga pinagsasabi, na maaring dala na rin ng kalasingan.
Wala pa kaming update kung natuloy ba ang pagpa-blotter at tuluyan nang sinampahan ng reklamo ito ni actor/politician.
Direk Joey, nagsalita sa kapalaran ng Cinemalaya
Napag-usapan kamakailan lang na nanganganib na raw ang Cinemalaya at pati ang Virgin Labfest na inaabangan natin taun-taon sa Cultural Center of the Philippines.
Isa ito sa mga prestihiyosong proyekto ng CCP pero dahil ang laki nang na-slash na budget ng gobyerno, isa na rito ang arts and culture kaya talagang apektado ang CCP.
Nang huling makatsikahan si direk Joey Reyes sa media conference ng Film Development Council of the Philippines (FDCP), inamin ng FDCP chairman na talagang nabawasan ang budget ng CCP, at apektado ang mga proyekto nila kagaya nitong Cinemalaya.
Mabuti at nagawan naman pala ng paraan ngayong taon, at in-assure ni direk Joey na merong Cinemalaya ngayong 2025. Bale ika-21st year na ito ng naturang independent film festival.
“Meron pa this year! Meron pa this year. Mag-uusap pa ang Board of Trustees ng Cinemalaya with Mr. (Tonyboy) Cojuangco and Laurice Guillen.
“Meron pa. Assured ‘yon this year. Assured ‘yon this year,” pakli ni direk Joey.
Napag-alamang may tatlong entries nang nagso-shooting ngayon kaya sure na meron pang Cinemalaya.
Ang isa sa nagbibigay pag-asa ay puwede pa itong ma-save sa tulong ng private sector, ‘di ba? Tumango naman si Direk Joey.
- Latest