Barbie, mas bagay na walang loveteam
Ginulat man tayo ng hiwalayang Barbie Forteza at Jak Roberto pagkatapos ng kanila 7-year relationship, parang ok naman ang lahat. May panghihinayang pero wala namang major shockwaves.
Sabi nga ni Lolit Solis, parang mga non-entities at da hu pa rin ang dating.
Need we say more?
Tapos nabuhayan ang BarDa fans of Barbie and David Licauco. For what? Hindi ikaka-level up ni Barbie ‘yan if ever, ‘di ba? Napatunayan na hindi transferrable ang charisma and talent.
At hindi ba may jowa si David Licauco?
Si Barbie parang Maris Racal, talented at hindi bagay mag-loveteam!
Mga ibang nagbibigay ng parangal, kolorum
Grabe naman ang Ginintuang Parangal eme na nagligwak sa Metro Manila Film Festival winners na sina Dennis Trillo sa Green Bones at Judy Ann Santos sa Espantaho.
Ok lang, magbigay na lang ng personal na award ang lahat! Basta mahihiwalay ang legit sa kolorum. Ang bayad sa hindi.
Nakakataquote:
“No one knows how much you went through this year, but you stayed strong and didn’t quit.”
Notice na ang salitang “didn’t” ay nilagyan ng “x” sign ang dulong mga letrang “n’t” kaya nagmukhang “did quit.”
Nagtapos naman ang message ng “I’M SO PROUD OF YOU.”
–Imelda “Amy” Forteza, nanay ni Barbie Forteza (on IG Stories)
- Latest