^

Bansa

Gamot sa cancer, diabetes, mental illness na VAT-free nadagdagan

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nadagdagan pa ang mga gamot na in-exempt ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa value added tax o VAT.

Kabilang dito ang cancer medicines na Degarelix at Tremelimumab.

Habang sa diabetes ay Sitagliptin at Linagliptin.

Para sa may iniindang sakit sa mental health, VAT-free na rin ang Clomipramine Hydrochloride, Chlorpro­mazine, at Midazolam.

Noong Enero ay inilibre na sa buwis ang 21 gamot sa cancer, diabetes, at hypertension. Noong Marso ay 20 pang gamot at panibagong 15 noong Agosto.

Ang cancer at diabetes ang ilan sa na­ngungungang sanhi ng kamatayan sa bansa na dahil sa may kamahalan ang mga gamot ay hindi kayang bilhin ng mahihirap.

Ayon kay BIR Commissioner Romeo Lu­magui Jr., patuloy na susuportahan ng BIR ang pagsisikap ng gobyerno na tulungan ang publiko na magkaroon ng access sa mas abot-kayang pangangalagang pangkalusugan at gamot.

BUREAU OF INTERNAL REVENUE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->
ad