Game 3 ng UAAP Finals mas magiging pisikal
MANILA, Philippines — Dagdag sa sakit ng ulo ng nagdedepensang De La Salle University ang pag-eskapo sa suspensyon ni University of the Philippines’ guard Reyland Torres para makalaro sa Game Three ng UAAP Season 87 men’s basketball championship seriies bukas.
Sa 75-76 kabiguan ng Fighting Maroons sa Green Archers sa Game Two noong Miyerkules ay natawagan si Torres ng dalawang unsportsmanlike fouls.
Una itong nangyari sa 5:33 minuto sa third quarter nang matawagan si Torres ng isang Unsportsmanlike Foul (UF) category 2 laban kay EJ Gollena ng La Salle.
Ang ikalawang unsportsmanlike foul ay sa huling 2:58 minuto ng fourth period matapos tangkain ni Torres na pigilan ang fastbreak play ng defending champion.
Dahil dito ay napatalsik siya sa laro at inaasahang mapapatawan ng automatic suspension.
Ngunit sa desisyon ng UAAP ang ikalawang unsportsmanlike foul ng UP guard ay isang UF Category 4.
“Because of the nature of the second foul, Torres will be eligible to play in Game 3,. The same case as Adamson’s Jhon Calisay back on November 23, 2024.”
Humulagpos sa Fighting Maroons ang tsansang muling maisuot ang UAAP crown matapos matakasan ng Green Archers sa Game Two.
Nauna nang kinuha ng UP ang Game One, 73-65, bago nakatabla ang La Salle.
“Sabi ko lang na hindi pa naman tapos, may Game Three pa, sana manalo kami,” sabi ni Fighting Maroons’ veteran guard JD. Cagulangan.
- Latest