^

PSN Showbiz

Lucho, ‘di nahihiyang maglambing sa nanay!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Lucho, ‘di nahihiyang maglambing sa nanay!
Ryan Agoncillo, Lucho, at Judy Ann Santos

Ang bongga naman ng anak nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo na si Lucho na nanalo sa isang football event.

Proud mom si Juday sa isang post na ipinagmalaki ang unico hijo niya na kabilang sa nag-champion na team sa football game na may caption na Fresh off Lucho’s victory! Congrats, our champ!

Mukhang dumiretso ito sa restaurant nila para ibalita agad sa mommy niya ang panalo nila ng team nila.

Binata na nga ang anak anak nina Juday at Ryan na mas matangkad na sa parents niya at siguradong mas tatangkad pa na teenager pa lamang.

Pero kahit na binata na ito ay napansin ng netizens na hindi ito nahihiya na maging malambing sa mommy niya na humahalik pa rin ito gaya ng ibang binata. Well-raised daw talaga ito.

Isa rin sa napansin ng mga netizen ay mas guma­gwapo raw si Lucho habang lumalaki.

Ngayon pa lang ay hinuhulaan nilang marami itong paiiyaking babae. Mukha raw magiging crush ito ng bayan at future heartthrob.

Kinumpara pa nga ito sa anak nina Angelina Jolie at Brad Pitt na si Knox na marami ang sumang-ayon na hawig daw ang dalawa dahil sa hairstyle nito.

Wala namang duda na nagmana ito sa daddy niya na halo raw ang mukha nito sa parents niya.

 Bongga. Wait ko na mag-showbiz si Lucho.

Sana nagsusulat pa rin ako nu’n.

Hahahaha.

JUDY ANN SANTOS

RYAN AGONCILLO

TRENDING

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with