Miriam nabaon sa utang, na-scam ng kaibigan ng milyun-milyon
Naranasang ma-scam ng isang kaibigan si Miriam Quiambao mahigit isang dekada na ang nakalilipas. Kasosyo umano ng dating beauty queen ang kaibigan sa kanyang foreclosed property investment. Nanirahan si Miriam sa Hong Kong noon dahil sa unang naging asawa. “Siya nag-manage noon tapos marami siyang mga inimbitahan to co-invest with her. Ang problema, minis-manage niya ‘yung funds. Walang check and balance, so ngayon lahat ng mga utang sa bangko, hindi niya nababayaran. Tapos naremata lahat ng properties,” pagbabahagi ni Miriam sa amin sa Fast Talk with Boy Abunda.
Milyun-milyon ang nawala sa TV host dahil sa ginawa ng dating kaibigan kaya nabaon sa utang. Ayon kay Miriam ay unti-unti niyang nabayaran ang lahat ng naging utang noon at muling nakabawi sa pagnenegosyo. “Millions ang in-invest ko doon, life savings. Nag-file kami ng class suit against her, napakulong siya, mahaba ang kwento ng kaso,” dagdag pa ng dating beauty queen.
Samantala, mahigit isang dekada na ang nakalilipas nang magkaroon ng pangalawang asawa si Miriam. Dalawa ang naging anak ng TV host at Ardy Roberto. Masayang-masaya si Miriam sa piling ang kanyang pamilya. “Super joyful, kung ano ‘yung love ng Diyos Ama sa akin, gano’n din ang pakiramdam ko sa mga anak ko, na kaya kong i-sacrifice pati buhay ko for them,” makahulugang pahayag ng TV host.
Belle, kinilig sa mga ginawa nila ni Donny sa La Union
Napapanood na ngayon sa Viu ang How to Spot a Red Flag na pinagbibidahan nina Belle Mariano at Donny Pangilinan. Sa La Union pa kinunan ang karamihan sa mga eksena sa serye.
Hinding-hindi makalilimutan ni Belle ang kanilang karanasan sa La Union habang ginagawa ang naturang online series. “Hindi pa kasi ako nakakapunta ng La Union ever. First time ko makapunta ng La Union and grabe ang dami kong nasubukan do’n. First time ko mag-surf. Parang na-in love ako sa lugar. So mas naging in touch ako sa character kong si Cha and the story. Parang while reading the script kinikilig na ako. What more if panoorin namin ang ganda ng connection ng lahat ng characters namin. Grabe din ‘yung alon kasi sa La Union, sobrang taas talaga. No’ng time na ‘yon yata ‘yung magandang alon. Hindi ko abot ‘yung sahig kaya nakakapit ako sa kanila. Tapos may hawak na rin ako,” natatawang kwento ni Belle.
Ayon sa dalaga ay talagang kaabang-abang ang lahat ng kanilang eksena ni Donny sa bagong serye. Aminado si Belle na mismong siya ay kinilig sa mga ginawa nila ng aktor. “I think you can’t fake it. Hindi mo naman pwede ipeke ‘yung kilig, ‘di ba? Totoo, kinikilig ako sa scenes namin. And we do rehearse ‘yung actions and ‘yung lines namin but I do think what makes it natural is that kung paano kami mag-react sa isa’t isa. I’m just really happy that I get to do this with him and I’m grateful that I have him in my life,” pagtatapat ng aktres.
Sinisiguro ni Belle na mayroong matututunan ang mga manonood mula sa serye. “Alam mong masasabi mong red flag ang isang tao, ‘pag hindi ka comfortable eh. Comfortable sa ginagawa niya, kung hindi ka nagiging comfortable sa kung paano ka niya tratuhin. Be honest with him or her. Huwag na tayo magpabebe. Just say what you like and what you don’t like and I think it would be a good help to them to reflect on what they do,” pagtatapos ng aktres. (Reports from JCC)
- Latest