^

Metro

Higit P5.7 milyong halaga ng iligal na LPG refilling equipment

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nakumpiska ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang nasa higit P5.7 milyong  halaga ng mga ka­gamitan  sa  isang  compound na nagsasagawa ng illegal  refilling ng mga  LPG sa Bulacan.

Ayon kay CIDG Director PBGen. Nicolas  Torre III, pinasok ng  CIDG-Regional Field Unit 3-RSOT, Bulacan Provincial Field Unit at Bulacan PNP ang Marilao Industrial Compound sa Brgy. Mahabang Parang, Sta. Maria, Bulacan nitong Huwebes sa bisa ng search warrant  na inisyu ni

Hon. Adonis A. Laure, Acting Presiding Judge ng Third Judicial Region, Regional Trial Court, Branch 21, dahil sa paglabag sa  Republic Act No. 623 o regulasyon sa paggamit ng mga duly marked containers.

Nakuha sa lugar ang  iba’t ibang kagamitan at materyales kabilang ang  mga gamit na original, bagong pintura at refilled Pryce Gas LPG cylinders; weighing scales; refilling hoses and machines; LPG pumps; compressors at  storage tanks.

Isang nagnga­­ngalang “Olga” na on site checker lamang ang nadatnan ng mga awtoridad habang  agad na dinala sa RFU 3 office ang mga kinum­piskang  ebidensiya.

Dagdag ni Torre, ang illegal operation ng mga refilling ng LPG ay posibleng magdulot ng sakuna at kapahamakan. Aniya, ang kanilang operasyon ay pagtitiyak sa seguridad ng publiko sa paggamit ng LPG.

CIDG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with