^

PSN Showbiz

Beach resort ni Sam Pinto, nawasak

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Beach resort ni Sam Pinto, nawasak
Sam Pinto
STAR/File

Hindi rin pala nakaligtas ang resort ng inactive actress-model na si Sam Pinto sa Baler, Aurora sa Bagyong Pepito.

Kasama sa mga nasa­lanta sa paghagupit ng bagyong Pepito ang beach resort na L ‘Sirene sa Baler na pag-aari niya.

Ipinost ng misis ng basketball player na si Anthony Semerad ang video kung saan makikita ang pinsalang dulot ng bagyo na kuha ng kapatid niya.

Nasaksihan nga raw ng kapatid nito ang mismong paghagupit ng bagyo at isinend lamang sa kanya nito.

“The aftermath, kawawa.” My sister (who was there during the storm sent this),” sabi niya sa kanyang post.

Ilan nga raw sa mga bintana ay nabasag, nawasak ang gazebo at wala na rin ang bubong ng kanilang staff house.

Ang mga halaman nga raw sa paso ay nakatumba na rin lahat at wala na rin ang bakod.

Mabuti na lamang daw at ligtas ang lahat at walang nasaktan. Wala nga lang daw kuryente at on and off ang signal doon.

Toby, may utak para sa mas mataas na posisyon

Happy naman ako na very active talaga si Cong. Toby Tiangco na nag-celebrate ng birthday kahapon.

Imagine siya ang campaign manager ngayon ng admistration candidates sa darating na midterm elections.

Kaya hindi ako magugulat kung one day maging isang senador si Papa Toby na talagang may utak at puso para sa mas mataas na posisyon.

Go go our Papa Toby Tiang­co, soar high and higher dahil deserving ka at talagang isang mabuting tao. Bongga.

SAM PINTO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with