^

True Confessions

Hiyasmin (95)

Ronnie Halos - Pilipino Star Ngayon

“Para sa akin, huwag mo na munang sabi­hin,’’ sabi ni Dax kay Hiyasmin. “May mga bagay na dapat sarilinin mo muna at sa tamang panahon sabihin. Baka pagsinabi mo sa iyong mama ang natuklasan mo e mag-away sila. At sa pag-aaway nila ay makadampot ng kutsilyo ang mama mo at saksakin­ ang stepfather mo. Sa ban­dang huli siya pa ang ka­wawa kung mapatay niya.

“O puwede rin namang mabaliktad ang pangya­yari. Baka ang stepfather mo ang makapatay sa mama mo. Baka habang nag-aa­way sila ay maitulak nito ang mama mo at tumama ang ulo sa haligi o semento. Po­sibleng mangyari ang mga sinabi ko. Ang pabigla-big­lang pagtatapat ng isang pangyayari ay ma­aring magdulot ng hindi ma­gandang pangyayari.

“Kaya kung ako sa’yo, huwag mo na munang ipagtapat sa iyong mama ang mga natuklasan mo.”

Tumango si Hiyasmin. Pero nanatiling seryoso ang mukha nito.

“Huwag muna ngayon. Palipasin muna ang kasid­hian mong makapagsumbong, okey?’’

Tumango muli si Hiyasmin.

Maya-maya, diniliber na ang pagkain nila.

Napakabango ng salmon. Tumutusok sa pang-amoy. Nakadama lalo ng gutom si Dax.

“Kain na tayo,” sabi ni Dax.

Pero hindi kumilos si Hiyasmin.

“Saka mo na lang isi­pin ang problema. Kumain muna tayo. Lalamig ang pagkain.’’

Saka lamang kumilos ang dalaga. (Itutuloy)

vuukle comment

DAX

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with