^

PSN Showbiz

Atasha, bagay na genius!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.
Atasha, bagay na genius!
Atasha Muhlach
STAR/File

Ang bongga naman ni Atasha Muhlach na isa sa kambal nina Aga at Charlene Muhlach na bibida pala sa Pinoy adaptation ng isang Thai movie na Bad Genius.

Overwhelmed at naiyak daw ang kakambal ni Andres sa pagpili sa kanyang bida sa malaking proyekto ng Viva.

In fairness kay Atasha, gu­magaling na siya sa pagsasalita ng Tagalog ha.

At sa face card niya, panalo talaga.

Sigurado ring pinaghahandaan na niya iyon. At sa tulong ng parents niya siguradong mara­ming tips ang mga iyon.

At puro positibo raw ang mga komento at walang nag-nega ha. Good choice dahil ang laki raw ng hawig sa bida ng Thai version ni Atasha.

Bagay raw talaga sa kanya ang role.

Deserved talaga ‘yan ni Tashing. Excited ako ha.

Bongga talaga.

‘I had a good life’

Grabe na buong gabi hindi ako nakatulog dahil sa ubo. Maganda naman ang higa ko noong una, pero in the middle of the night talagang non-stop na ang dry coughing ko. Kung available lang ang driver ko that time sana nagpahatid na ako sa hospital.

Nang magising ako, medyo kalmado na ito, kaya medyo ok na pakiramdam ko.

At the age of 78 talagang ramdam ko na ang physical strain sa katawan ko. Lima kami nina Dra. Vicki Belo, Rubby Coyuito, Wilma Galvante at Lorna Tolentino na nagpa-stem cell kay Dr. Muehler sa Germany.

Siguro naman kung ano ang maranasan ko ngayon, pareho rin ng sa kanila.

Naku, actually naiinis nga ako sa stem cell ko. Sana kung ending, ok na, wala nang extension.

I had a good life, I will never regret anything. Kaya sana natural way ang mangyari sa akin. Kung talagang oras na, ok na.

Hahaha.

ATASHA MUHLACH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with