^

Pang Movies

Tony, may kailangang patunayan kay budol!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Unang nakita ang Fil-Am actor na si Tony Labrusca sa isang commercial ng isang burger chain, pero mas napansin siya nang sumali sa Pinoy Boyband Superstar, isang talent search show ng ABS-CBN noon na hosted ni Aga Muhlach. Noon lang din napag-usapan na anak na pala siya ng dating That’s Entertainment member na si Boom Labrusca, na kilala noon sa screen name na Anthony Roxas.

Kung hindi nga lang siguro nasabit sa kung anu-anong hindi magagandang usapan si Tony, baka mas sikat na iyan ngayon.

Ngayon ginawa siyang leading man sa serye ni Herlene Budol. Afternoon series lang iyon, pero kung magiging mahusay ang kanyang performance, at siguro kung makikita nilang malakas nga ang kanyang hatak sa audience, malamang sa hindi mabigyan siya ng iba pang assignment.

Naniniwala kaming may hatak si Tony, kailangan nga lang siguro ay kaunting push kaya rin naman niyang makipagsabayan sa pagpapa-sexy ni Budol kung kailangan.

Marian at Lovi, nagsasalpukan

Pinagsasabong naman nila ngayon sina Marian Rivera at Lovi Poe, kasi magkakasabay ang paglabas sa sinehan ng kanilang mga pelikula.

Aywan naman kung bakit pinagsabay pa sila. Mas maganda sana kung hindi sila nagtapat ng playdate, mas malaki ang chances ng bawat isa na kumita nang mas malaki.

Pero sino ang kikita ng mas malaki sa kanila?

Ogie, naagawan ng titulo?!

Naagawan nga ba ng title ng show si Ogie Diaz? Hindi na lang siya nagva-vlog, nakapasok na rin si Ogie Diaz sa mainstream television. Mapapanood siya araw-araw sa TV5 pagkatapos ng Eat Bulaga.

Ok iyan dahil pre-programming niya lalabas ang Eat Bulaga, at tiyak iyon ang mga nanonood ng Eat Bulaga ay hindi na lilipat ng channel para malaman naman ang latest na ibabalita ni Ogie Diaz.

Pero matapos niyang mai-promote ang show niya na ang title ay Quizmosa, biglang nagkaroon din ng segment na ganoon ang title ang TicToClock ng GMA 7. Kaya para wala na lang usapan, pinalitan naman ng TV5 ang title ng show ni Ogie at ginawa na lang iyong Quizmisan.

Wala naman talaga sa title ng show iyan. Nasa content.

Kung mga tsismis nga na may contest pa pareho ang format nila, ang maaapektuhan ay si Boy Abunda na papasok for 20 minutes dalawang oras pa pagkatapos ni Ogie. P

Singaporean porn star, nasapawan na ang mga Pinoy bold star!

“Marami nga palang fans iyong sinulat mo noong si Titus Low,” sabi ng isang kakilala na­ming video pirate sa Greenhills noong makita namin kahapon.

Nabasa raw niya sa amin ang tungkol kay Titus Low, isang Singaporean na sikat sa mga social media videos at nahuli sa Singapore dahil sa porn. Hinanap naman daw niya nang mabasa niya sa amin ang mga video ni Titus Low, at nakita nga niya ang channel noon sa isang paid website. Siyempre namuhunan naman siya, nag-subscribe siya kay Titus Low para mai-download niya ang videos noon. Tapos ipinamalita niya na may videos siya ni Titus Low, at ang dami nga raw dumating sa kanya at nagpakopya noon sa kanilang USB flash drive.

Mas marami raw naghahanap ng videos ni Titus Low kaysa sa bold Tagalog films na naka-stream din sa internet. “Mas pogi kasi si Titus at mas palaban ang video,” sabi pa niya.

Baka magulat kayo, kasi may lumabas na ring sex toys si Titus, hindi magtatagal iyan mayroon na rin niyan dito sa atin, bentahan niya ang gay shops na online.

Pero marami ring fans na tunay na babae si Titus Low ha.

Ingatan lang ninyo kung bibili kayo sa internet, maraming scam diyan. Iba ang binayaran mo sa ipadadala sa iyo.

vuukle comment

TONY LABRUSCA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with