^

PSN Opinyon

Bakit nagkakaroon ng altapresyon

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

DALAWA ang pinanggagalingan ng altapresyon o high blood pressure. Una, namana ninyo ito sa mga magulang. Pangalawa, nakuha n’yo ito sa maling pamumuhay tulad ng paninigarilyo, pagiging lampas sa timbang, pagkain ng sobrang alat at matataba at kulang sa ehersisyo.

Mayroon pang ibang mga dahilan na puwedeng magpataas ng inyong presyon gaya ng pagpupuyat, kulang sa tulog, laging nagagalit, sobrang init ng panahon, at sakit sa bato.

Walang sintomas ang altapresyon. Kadalasan, walang nararamdaman ang taong may high blood. Kaya nga tinatawag na “silent killer” ang high blood pressure dahil nanganganib na pala ang buhay ng pasyente pero wala pang nararamdaman.

Pero may ilang tao ang nakararanas ng sintomas, tulad ng pananakit ng batok, mabigat ang ulo at pagkahilo.

Ang mga kumplikasyon ng altapresyon ay stroke, pagkabulag, sakit sa bato at atake sa puso.

Magpatingin agad sa doktor kapag ang inyong blood pressure ay lampas 140 over 90 para mabigyan agad ng lunas.

Ang pinakamainam na blood pressure ay 120 over 80. Kung mas mababa pa rito, okey din.

DOC WILLIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->