^

Bansa

Trilateral agreement palalakasin ng Philippines, US, Japan

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tumutok sa maritime, economic at technology cooperation ang trilateral phone call meeting nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., US President Joe Biden at Japanese Prime Minister Ishiba Shigeru.

Sa naganap din ­trilateral phone call, nangako ang tatlong lider na palalakasin pa ang ugnayan ng Pilipinas, Amerika at Japan.

Tiwala naman si Marcos na magtutulungan ang tatlong bansa para mas lalo pang mapalalim ang ugnayan.

Nauna nang nagkaroon ng trilateral summit sina Pangulong Marcos, Biden at dating Japanese Prime Minister Fumio Kishida sa Washington, DC, noong Abril 11, 2024 kung saan muling tiniyak ang mapayapa, secure at prosperous na  Indo-Pacific na naka-angkla sa demokrasya, rule of law, at human rights.

Ayon kay Marcos, ang adoption ng ­Trilateral Joint Vision Statement noong Abril ay isang ­malaking progress sa pagpapatupad ng ­bilateral at ­trilateral cooperation ng tatlong bansa.

Sinang-ayunan naman ni Biden ang paha­yag ni Marcos at sinabing nagkaroon ng historic progress ang ­Trilateral Summit lalo na sa ­usapin sa maritime security, economic security, at ­technology cooperation.

Pinuri naman ni Biden si Marcos sa diplomasyang pamamaraan sa pagtugon sa pagiging agresibo ng China sa South China Sea.

Binigyang diin naman ni Ishiba ang kahalagahan ng pagpapalalim ng trilateral cooperation ng tatlong bansa.

ECONOMIC

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with