^

PSN Opinyon

Bahay sa China, nasa gitna ng highway matapos tumanggi ang may-ari na ibenta sa gobyerno!

MGA KWENTONG WEIRD - Ronniel Niko B. Halos - Pilipino Star Ngayon

ISANG matandang lalaki sa China ang nakatira ngayon sa gitna ng expressway matapos tanggihan ang alok ng gobyerno na bilhin ito sa kanya!

Noong una, inalok si Huang Ping ng 1.6 million yuan (katumbas ng P12.5 million) para sa kanyang two-storey house.

Bukod sa cash, bibigyan din siya ng dalawang properties para doon lumipat at magtayo ng bagong bahay.

Kalaunan, nadagdagan pa ang alok ng isa pang lupa. Ngunit sa kagustuhang makakuha ng mas mataas na offer, tinang­gihan niya ito.

Ang resulta, itinuloy ng gobyerno ang proyekto at binuo ang highway na pumapaligid ngayon sa kanyang tahanan.

Ngayon, ang tanging daan palabas ng kanyang bahay ay isang malaking tubo, at halos kapantay na ng bubong ng kanyang bahay ang highway.

Ayon kay Huang, kung maaari niyang balikan ang nakaraan, papayag na siya sa alok ng gobyerno. “Parang natalo ako sa isang malaking sugal,” aniya.

Kasama ang kanyang 11-anyos na apo, kadalasang lumalayo si Huang sa ingay at alikabok ng konstruk­syon, at bumabalik lamang sa bahay tuwing gabi kapag tapos na ang trabaho ng mga manggagawa.

Ngunit nangangamba siya sa pagbubukas ng high­way sa spring season, kung kailan inaasahan ang tuluy-tuloy na ingay mula sa mga sasakyan.

Samantala, ang kanyang bahay ay naging tanyag na atraksiyon na ngayon sa kanilang lugar. Maraming­ lokal ang dumarayo upang kunan ng larawan ang tina­guriang “nail house”.

Nail house ang tawag sa mga bahay na nagmama­tigas at ayaw magpatinag sa mga proyekto ng gobyerno.

Ang kaso ni Huang ay hindi na bago sa China. Noong 2017, isang nail house sa Shanghai ang nakatayo sa gitna ng kalsada sa loob ng 14 na taon bago tuluyang na-demolish matapos mabayaran ng mas mataas na halaga.

Sinabi naman ni Huang na nagsisisi siya sa kanyang pagmamatigas at pagpapapresyo. Naniniwala siya na huli na ang lahat upang maitama ang naging desisyon.

CHINA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with