^

PSN Showbiz

Pagbebenta ng pelikulang tagalog sa abroad, tuloy na tuloy!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Pagbebenta ng pelikulang tagalog sa abroad, tuloy na tuloy!
Direk Joey Reyes.
STARE/ File

Ang daming naintriga sa mga taga-showbiz sa status ni direk Joey Reyes sa kanyang Facebook account kamakalawa lang.

May una siyang ipinost na sinabi nitong, “I can’t believe it. I’ve already reached my quota of bullshit for 2025!”

Pero mas nakakaintriga ang isa pa niyang cryptic post na, “Saddened. Heartbroken. The end of something great because of personal biases of individuals.”

Ang daming na-curious sa post na ‘yun, kaya nagtanungan na ang karamihang may concern sa nangyayari.

Malungkot na balita ‘to kung matutuloy ito. Pero ayaw naman naming pangunahan si direk Joey, kaya hintayin na lang natin ang kanilang official announcement kung ano talaga ang napagpasiyahan.

May kinalaman ito sa ating movie industry na sa pagkakaalam natin ay all-out ang suporta rito ng administras­yong Marcos.

Kung matutuloy ito at walang magagawang paraan, malungkot na balita ito sa mga taga-industriya na umaasang makakaangat-angat pa sana sa taong ito.

Sa mga darating na araw ay i-a-announce naman ito, na tiyak na ikalulungkot ng mga talagang masugid na sumusubaybay sa ating movie industry.

Kamakailan lang ay nakipag-meeting pa si direk Joey kasama ang ilang film producers sa DTI Secretary Cris Roque, dahil noon pa man ay sinasabi na ni Sec. Roque na isasama na ang ating local films sa mga ibebenta sa ibang bansa.

Kasama na ito sa mga state visit ng Pangulong Bongbong Marcos. Sana maganda ang kalabasan nito, para patuloy pa ring maiangat sa ibang bansa ang ating sining at kultura.

Matapos idolohin na lods, Pepe gaganap na satanas

May mga nag-react nga sa pagganap ng komedyanteng si Pepe Herrera sa pelikula ng Viva Films na Sampung Utos Kay Josh na pinagbibidahan ni Jerald Napoles, at ang mahalagang papel na ginagampanan dito ni Pepe ay si Satanas.

Lalong na­kilala si Pepe sa karakter na si Lods sa pelikulang Rewind nina Dingdong Dantes at Marian Rivera. Ini-imply na ang Panginoong Hesus si Lods sa pelikulang ito at lalong kinatuwaan ang magaling na komedyante.

Kaya hindi maiwasang marami ang nagtanong, bakit niya tinanggap ang role bilang si Satanas.

Sabi ng co-actor niya rito na si Albie Casiño, gusto lang daw kumita ni Pepe.

Pero nang makausap namin si Pepe sa radio program namin sa DZRH, tinanggap daw niya ito dahil sa bestfriend niya ang direktor nitong si Marius Talampas.

Si direk Marius ang direktor din ng comedy film na Pangarap Kong Holdap na kung saan si Pepe rin ang isa sa mga bida.

“Kaibigan ko po si Marius, high school pa lang po kami, kababata ko po. Gumagawa na kami ng mga videos,” pakli ni Pepe.

Totoo nga raw na nag-react ang kanyang ama nang malaman niyang gagam­panan niya ang role na ‘yun sa naturang pelikula.

Sabi pa ni Pepe, “Kaswal pong napag-usapan sa hapag-kainan, nabanggit po ng ate ko, ‘o, tay, may bagong project si Pepe.’

“Tas, parang hindi ko po alam kung sino sa amin ang nauna. Pero kaming dalawa ng ate ko ang nagsabi sa tatay ko.

“Tapos sabi ko, ‘ay oo nga pala, Tay, pero baka maganda huwag mo nang panoorin kasi ako ang gaganap na satanas. ‘O, anak, ba’t mo tinanggap?’ sabi niya. Tapos sabi ng ate ko, ‘hindi, Tay, si Marius ‘yung director, ‘di ba kaibigan ni Pepe, ‘yung nagdirek ng Pangarap Kong Holdap.’

‘Kahit na anak, Satanas ‘yun e, gumanap kang Lods e.’ ‘Hindi Tay, comedy naman.’ Saka, sinubukan naming ipinaliwanag. Tapos, ‘yung ending, tahimik lang siya’t nag-iisip. So, hinayaan ko lang siyang mag-isip. Ganun po kami sa bahay e. Ganun po kami sa household namin. So, may ganun kaming healthy exchange of different opinion kahit na hindi kami nag-aaway.”

Pero sa kanyang ina ay tingin niya mas naintindihan niya ito.

Mas mabuting panoorin na lang daw ang pelikulang ito na magso-showing na sa Jan. 29.

Baka ngayon pa lang ay may mag-react na mula sa simbahan na isipin nila may pagma-mock ito sa ating Panginoong Hesus.

JOEY REYES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with