^

Metro

P6 milyong halaga ng marijuana nadiskubre sa 5 ‘unclaimed’ Balikbayan box

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nadiskubre ng mga awtoridad ang tinata­yang higit P6 milyong halaga ng pinatuyong marijuana matapos isuko ng isang forwarding company sa Las Piñas City, nitong Miyerkules.

Sinabi ni Southern Police District (SPD) director PBGen. Manuel Arugena, isang tip mula sa isang empleyado ng isang forwarding company ang natanggap ng kanyang mga tauhan na nagresulta sa pagsamsam sa 51 kilo ng marijuana leves na may fruiting tops na tinata­yang nagkakahalaga ng P6,120,000.00. na sinasabing hindi na-claim.

Dakong alas-9:00 ng gabi ng Enero 7 nang magtungo ang mga tauhan ng SPD sa forwarding company sa Barangay Pamplona Tres, Las Piñas City at doon natukoy na marijuana ang nilalaman ng 5 malalaking balikbayan box na nakahalo sa iba pang parcel.Sinabi ni Arugena na isinasagawa na ang imbestigasyon sa mga unclaimed parcels, upang matukoy kung saan nanggaling ang mga parsela at kung saan ito patungo.

LAS PIñAS CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with