Holt bibida sa All-Rookie team, Quinto Mr. Quality Minutes
MANILA, Philippines — Sasampa sa entablado sina Stephen Holt at Kier John ‘Bong’ Quinto sa PBA Press Corps Awards Night sa unang pagkakataon sa kanilang pagtanggap ng parangal sa Setyembre 24 sa Novotel Manila Araneta City.
Pamumunuan ng Barangay Ginebra sophomore ang mga miyembro ng All- Rookie selection, habang igagawad sa Meralco guard ang Mr. Quality Minutes ng mga regular na nagkokober ng PBA beat sa ilalim ng pamumuno ni president Vladi Eduarte ng Abante Group of Publishing.
Inihahandog ng Cignal TV, makakasama ng 32-anyos na si Holt, ang Rookie of the Year sa Season 48, sa All-Rookie Team sina Cade Flores ng NorthPort, Adrian Nocum ng Rain or Shine, Ken Tuffin ng Phoenix at Kemark Carino ng Terrafirma.
Ang 6-foot-4 Fil-Am at produkto ng St. Mary’s College sa California, USA ang No. 1 overall pick ng Terrafirma sa Season 48 at nagdala sa Dyip sa unang playoffs appearance sa Philippine Cup matapos ang walong taon.
Lumaban si Holt para sa Most Valuable Player plum at napasama sa 2nd Mythical Team.
Ito naman ang unang Mr. Quality Minutes award, ang PBAPC version ng Sixth Man of the Year, ng 29-anyos na si Quinto.
Inungusan ng dating Letran star si 2023 winner Jericho Cruz ng San Miguel para sa nasabing karangalan na unang iginawad kay Ginebra deputy coach Olsen Racela noong 1993.
Naglista si Quinto ng mga averages na10.1 points, 3.4 rebounds at 2.5 assists para sa Meralco sa Season 48.
Ang second round pick ng Bolts sa 2018 draft ang naging susi sa pagkopo ng Meralco sa una nilang PBA championship matapos talunin ang San Miguel sa Game Six ng season-ending Philippine Cup.
- Latest