^

PM Sports

Meralco pasok sa Quarterfinals

Russell Cadayona - Pang-masa
Meralco pasok sa Quarterfinals
Pinasok ni Meralco rookie CJ Cancino ang depensa ng NorthPort.
PBA Image

MANILA, Philippines — Hindi na nagpapigil ang Meralco sa pagsikwat sa quarterfinals ticket matapos patumbahin ang NorthPort, 114-104, sa PBA Season 49 Governors’ Cup kahapon sa Ninoy Aquino Stadium sa Malate, Manila.

Umiskor si import Allen Durham ng 23 points.

“Clearly we won the game but we still feel we have some things to improve,” sabi ni coach Luigi Trillo sa Season 48 Philippine Cup champions.

Inilista ng Bolts ang 6-2 record at inilaglag ang Batang Pier sa ikalawang sunod na kamalasan para sa 3-5 baraha sa Group A.

Bagama’t hindi na nakabalik sa laro si import Venky Jois matapos magkaroon ng right ankle injury sa 3:17 minuto ng first period ay nakipagsabayan pa rin ang NorthPort sa Meralco.

Sa katunayan ay nakabangon ang Batang Pier mula sa 14-point deficit sa third period para makalapit sa 97-105 sa huling apat na minuto ng fourth quarter.

Ngunit nagsalpak si Banchero ng isang three-pointer na nagpasimula sa paglayo ng Bolts sa 112-100 sa huling dalawang minuto ng laro.

Samantala, inaasahang gagawa ng PBA history si Marcio Lassiter sa pagsagupa ng San Miguel (5-2) sa Barangay Ginebra (5-2) ngayong alas-7:30 ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Tatlong tres na lang ang kailangang ipasok ng 37-anyos na si Lassiter para lampasan si PBA great Jimmy Alapag bilang all-time leading three-point scorer.

May 1,248 triples ang 10-time PBA champion player para lumapit sa PBA mark na 1,250 triples ni Alapag.

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with