^

PSN Showbiz

John, ayaw i-label sa habulin 

Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
John, ayaw i-label sa habulin 
John Estrada

Ayaw tanggapin ni John Estrada na habulin siya ng mga babae. Katunayan, inalmahan niya ang salitang “habulin” at hindi raw niya alam ang ibig sabihin nito.

Ito ang naging reaksyon ng aktor sa interview sa kanya ni Korina Sanchez sa show nitong Rated K.

“I don’t consider myself habulin, alam ko lang medyo friendly ako,” sabi nito at natural na ugali raw niya ito. Idagdag pa na approachable rin daw siya.

“Siguro dahil lang sa likas kong pakikisalamuha sa mga tao at ang pagiging bukas ko sa mga bagong kaibigan,” ayon pa kay John.

Dagdag pa niya, walang masamang tinapay sa kanya, kaya madali siyang makipagkaibigan kapag may lumalapit at nakikipagkilala sa kanya.

Siguradong may mga magre-react sa pahayag niya na ito at hindi paniniwalaan, lalo na ang sinabing hindi siya habulin ng mga babae.

Caloy at Andrea, nag-bonding

Mukha namang kampante si Chloe San Jose na hanggang crush lang kay Andrea Brillantes ang jowa niyang si Carlos Yulo. Si Chloe pa kasi ang kumuha ng picture nina Carlos at Andrea nang magkita at pinost pa niya sa Instagram. Ang caption pa ay “Look at my bb @c_edrielzxs w/ bb girl @blythe.”

Sa isa pang photo, silang tatlo na ang magkakasama at ang caption  ay “goddess @blythe.”

Comment ng netizens, secure na secure siya na hindi siya ipagpapalit ni Carlos kahit pa kay Andrea.

Si Andrea kasi ang binanggit ni Carlos nung natanong kung sino ang celebrity crush niya at sobrang tuwa siguro nito nang finally, makita nang personal ang aktres.

May mga balitang baka pasukin ni Carlos ang showbiz at kung mangyayari ito, tiyak na isa sa magiging dahilan ay si Andrea. Kung ipapareha sa kanya ang Kapamilya aktres, siguro naman, hindi siya tatanggi.

Samantalang ang jowa niyang si Chloe, parang nauna nang mag-showbiz nang mag-guest sa ASAP. Second time na raw ito ng GF ni Carlos na mag-guest sa show ng ABS-CBN.

Kyline, sinama si Kobe sa NY

Nag-post na ng photo si Kyline Alcantara na nasa New York na siya at based sa mga comment, kasama niya sa NY si Kobe Paras. Kaya lang, wala pang pino-post na photo ang Shining Inheritance star na magkasama sila ng rumored boyfriend.

Kung totoong kasama sa NY si Kobe, ibig sabihin, hindi lang ang mom niya ang kasama ni Kyline sa kanyang biyahe. Na-sweetan ang shippers ng dalawa sa ginawa ni Kobe dahil hindi raw nito pinabayaan na wala siya sa tabi ni Kyline sa birthday nito kahapon kung totoong magkasama sila.

vuukle comment

ACTOR

JOHN ESTRADA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with