^

PSN Showbiz

Bea, inaabangan kung makaka-two digits tulad ni Marian

JUST ASKING - L. Guerrero - Pilipino Star Ngayon
Bea, inaabangan kung makaka-two digits tulad ni Marian
Bea Alonzo
STAR/File

Sana nga ay tumaas habang tumatagal ang ratings ng Widows’ War nina Bea Alonzo at Carla Abellana dahil hindi pa nito nahihigitan ang huling rating ng pinalitan nitong show nina Marian Rivera at Gabby Concepcion na My Guardian Alien na nagdo-double digit rating.

Totoo bang itong show na ito ang make or break program ni Bea sa GMA 7?

Lahat ay nakaabang sa magiging kahihinatnan nito.

Julia at Robin, unahan kay Sharon

Welcome back to television and to ABS-CBN, Megastar Sharon Cuneta!

Siyempre maraming nag-aabang sa project ni Sharon sa Kapamilya network.

Totoo bang may teleserye sila ni Julia Montes? Paano na ang mga offer sa kanya sa pelikula? Ano kaya ang kanyang tatanggapin at unang gagawin: ang pelikula ni Robin Padilla o ‘yung matagal nang nabinbin na Mango Bride?

Wait and see tayo dyan!

Joshua at Julia, ramdam sa paubaya

Grabe ang hook ng teaser ng Un/happy For You nina Joshua Garcia at Julia Barretto directed by Petersen Vargas.

Para talagang art imitating life na ginamit pa ang theme song na Paubaya. Ano kaya ang pakiramdam ng kanilang respective new partners?

Grabe sigurong pagka-secure at mature at tibay na ng kani-kanilang relasyon para makayanan ang ganitong very public na project ng mag-ex.

Sa tingin niyo ito na ang pelikulang Filipino na totoong kikita nang malaki-laki sa mga sinehan after the Metro Manila Film Festival? Sana.

Sana talaga!

Belle, tinipid?!

Sobra ang pamba-bash ng fans sa backdrop ng presscon ni Belle Mariano ng kanyang July 13 birthday concert. Bakit nga ba hindi nakaka-Solaire?

Ang sabi sa isang post, para raw siyang magho-host ng Miss Gay Barangay pageant.

Bakit naman kasi hindi ni-level up? Nagtipid ba sa cut-out na backdrop? Bakit?

DJ mo, hiniwalayan ng misis!

Naghiwalay na pala sina Mo Twister at ang kanyang asawa na si Angelicopter?

Balitang hiniwalayan ni Angelicopter si Mo noong mismong araw ng kanilang 3rd wedding anniversary.

Sa kanyang podcast na Good Times With Mo, sinabi ng DJ na hindi niya inaasahan ang timing ng magiging katapusan ng kanilang relasyon. “I got dumped on our third-year wedding anniversary. That day...I don’t think she knew it was our wedding anniversary.”

Nagpakasal si DJ Mo at Angelicopter noong 2021 matapos ang sampung taon nilang pagsasama. Ikinasal sila noon sa Iceland. Pareho silang host dati ng Magic 89.9 at ngayo’y naniniharan na sa Estados Unidos.

Nakakataquote:

“Ilang beses na kasi akong naka-experience ng relationship na itinatago. Mutual decision naman siya kasi parehong work and hindi kami parehong out.” – Zuher Bautista on his relationships with closeted actors

vuukle comment

BEA ALONZO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with