^

True Confessions

Hiyasmin (173)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“Nangako ka sa akin, Sir Dax na sasabihin ang mga hindi mo nasabi kagabi. Naghihintay ako,’’ sabi ni Hiyasmin na seryoso ang boses at nakatingin nang deretso kay Dax.

Hindi naman makati­ngin si Dax kay Hiyasmin. Umaatake na naman yata ang pagkatorpe. Walang maibuka ang bibig.

“Ano? Sabihin mo na, Sir Dax.’’

Pero bago makapagsalita uli si Dax ay nakita­ nila na papalapit na ang isang waiter na dala ang mga inor­der nilang pagkain.

Ibinaba sa harapan nila ang pritong tilapia, atsarang ubod, ginataang langka, pritong yellow fin tuna, tino­lang manok, dalawang cups ng kanin at dalawang basong buko juice.

“Kumain na muna tayo, Hiyasmin, kumakalam na ang sikmura ko.’’

“Kailan mo ba talaga sa­sabihin?’’

“Mamayang gabi. Puntahan uli kita sa room mo.’’

“Anong oras?’’

“Basta kakatok na lang ako.’’

“Bakit kasi ayaw mo pang sabihin ngayon?’’

“Mamaya na lang gabi. Ang asikasuhin na lang natin ngayon ay ang pagkain.’’

Umirap si Hiyasmin.

“Sige na,’’ sabi ni Dax at iniabot kay Hiyasmin ang tasa ng kanin. Inabot ni Hiyasmin.

“Baka wala ka na namang sabihin kapag nagpunta ka sa room ko.’’

“Meron.’’

“Hindi na talaga kita kakausapin.’’

“Kain na tayo.’’

Kumain sila.

(Itutuloy)

DAX

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with