Ashley, panay ang atungal sa loob ng bahay ni Kuya!

Parang nakakaawa ang Kapuso actress na si Ashley Ortega na kasalukuyang nasa Bahay Ni Kuya. Lalo na nung umatungal siya.
Narinig daw ni Gabbi Garcia na nagsusuka ito sa gabi at sey ng ibang housemates ay gabi-gabi raw nangyayari iyon.
Hindi ba nakaka-bother iyon?
Wala man lang bang nagtangkang kumausap sa kanya? Posible rin daw kasing dahil iyon sa anxiety.
Makikita rin sa mga litratong kumalat na parang ang bigat na talaga ng dinadala ng girlfriend ni Mavy Legaspi, na marami na rin ang nakapansin.
Meron din daw kasi itong problema sa nanay niya na parang ang tagal na raw nitong dinidibdib.
Tapos mukhang anxious din ito sa loob ng Bahay ni Kuya.
Pero mukhang matapang at palaban naman si Ashley dahil may gusto raw itong patunayan sa mommy niya.
Nakakaintriga tuloy kung ano ang pinag-awayan nilang mag-ina dahil natitiis daw nila ang isa’t isa ng kung ilang taon.
Sana nga ay may kumausap na sa kanya dahil mukhang hindi talaga biro ang dinadala niyang problema.
Wish ko nga rin magkaayos na sila ng nanay niya dahil mahirap talaga kapag hindi kayo ayos ng mahal sa buhay lalo na at nanay niya pa iyon, kahit hindi ko naman siya kilala.
‘Kaloka.
Kung hindi na healthy para sa kanyang mental health ang pananatili sa loob ng Pinoy Big Brother ay baka mas mabuting lumabas na lamang siya noh.
At least sa labas andyan ang boyfriend niya at mga kaibigan niya na support system niya.
Relate ako kay Ashley dahil ‘yung feeling of sadness hindi pa rin mawala sa akin.
Grabe talaga ang grieving ‘pag nawalan ka ng pet. Talagang parang isa ring tao ang nawala sa iyo.
Hanggang ngayon para bang very empty ang feeling ko sa pagkawala ni Jokjok.
Iyon bang nagising ka na alam mo nasa tabi mo siya at sabay kami bababa, at habang nagbabasa ako ng Pilipino Star NGAYON at Pang Masa nasa paanan ko siya.
Ewan ko kung hanggang kelan ang feeling na ito pero at least now I know kung bakit ganun na lang ang lungkot na nadarama ng mga pet lover. A part of you dies with your pet.
Hindi mo alam kelan uli magkakaroon ng feeling na buo ka, na walang nawala sa iyo.
Talaga palang ‘yung pet mo parang anak mo na.
- Latest