^

Bansa

OFW at pamilya dapat zero hospital bill na - Rep. Tulfo

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

MANILA, Philippines — Dahil sa kanilang sakripisyo at pagtulong sa ekonomiya ng bansa, marapat lamang na sagutin ng PhilHealth ang hospital bill ng mga OFW at pamilya nito.

Ayon kay Deputy Majority Leader at ACT-CIS Cong. Erwin Tulfo, malaking tulong ito ng PhilHealth sa mga OFWs at pamilya nila pagdating sa pangangalaga ng kanilang kalusugan.

“Sobrang malaking kabawasan ito sa gastusin ng ating OFW lalo na yung mga domestic helper, labor, at mabababang sahod sa ibang bansa,” sabi ni Cong.Tulfo.

Aniya, “Kahit kalahati man lang ng kanilang hospital bill ang sagutin ng PhilHealth at sa kahit anong uri ng sakit, ay malaking bagay na”.

Sa ngayon hanggang 30 porsiyento lang ng medical bill ang sagot ng PhilHealth para sa lahat ng miyembro nito sa ilang mga piling sakit lang.

“Hindi lang OFW mismo ang covered ng benepisyong ito, dapat pati na rin ang kanyang naiwang pamilya sa bansa”.

Ayon sa mambabatas ito raw ang isa sa mga kahilingan ng mga OFW na nakasalamuha niya matapos magtungo sa Paris, France para sa kanilang Barrio Fiesta activity.

Aniya maghahain siya ng isang panukalang batas hinggil dito.

OFW

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with