^

Bansa

Naputol na kanang hinlalaki ng Navy man sa harassment ng China, naibalik na

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Naibalik na ang kanang hinlalaki ni Philippine Navy Seaman First Class Jeffrey Facundo matapos maputol nang banggain ng China vessels ang barko ng Pilipinas sa Ayungin Shoal nitong Hunyo.

“I would like to report na na-restore na po ‘yung thumb, ‘yung daliri ng sundalo natin with the help of our doctors, our partners like the Makati Medical Foundation”, pahayag ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gen. Romeo Brawner.

“Naibalik na po ‘yung kaniyang daliri. It’s now functioning well, normally. I think mga two months ago na naibalik, the surgery was done free of charge,” ayon sa Chief of Staff.

Sinabi ni Brawner na mataas ang moral na mu­ling nakabalik sa kaniyang duty sa WPS si Facundo matapos itong gumaling.

Magugunita na noong Hunyo 17 ay binangga ng China Coast Guard (CCG) na armado ng mga itak, pana, palakol at iba pang patalim ang bangka ng Philippine Navy na nagsasagawa ng rotation at resupply mission sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal bunsod upang maputulan ng kanang hinlalaki sa kaniyang mga daliri si Facundo.

vuukle comment

NAVY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with