Tropang Giga binundol ng Dyip
MANILA, Philippines — Inilista ng sibak nang Terrafirma ang kauna-unahang panalo sa PBA Season 49 Governors’ Cup matapos gibain ang TNT Tropang Giga, 84-72, kahapon sa Ninoy Aquino Stadium sa Malate, Manila.
Humugot si veteran guard Stanley Pringle ng 11 sa kanyang 18 points sa fourth quarter para sa 1-8 record ng Dyip sa Group A.
Nagwakas ang seven-game winning streak ng Tropang Giga (7-2) na tinatarget ang No. 1 spot sa crossover quarterfinals.
“I credit all my players. Talagang even though na outnumbered kami sa number of players, nine, ten players lang naglalaro,” ani coach Johnedel Cardel. “Iyon pa rin, we’re still fighting, looking for our first win, so we got it tonight.”
Hindi natapos ni import Antonio Hester ang laro nang magkaroon ng injury sa huling limang minuto ng fourth period, ngunit tumapos na may 22 markers para sa Terrafirma.
Kinuha ng TNT ang 59-50 lead sa pagbubukas ng fourth quarter bago naiwanan sa 68-75 sa 3:56 minuto nito.
Ang dalawang free throws ni import Rondae Hollis-Jefferson ang naglapit sa Tropang Giga sa 70-75 sa 3:03 minuto kasunod ang drive at dalawang charites ni Pringle para sa 79-70 bentahe ng Dyip sa natitirang 1:39 minuto.
Samantala, lalabanan ng NorthPort (3-5) ang Magnolia (4-5) ngayong alas-7:30 ng gabi na wala si import Venky Jois na nagkaroon ng partial Achilles tendon rupture sa kanang paa sa kanilang kabiguan sa Meralco noong Sabado.
“Too late to bring in an import replacement. Kailangan pa ng FIBA clearance,” sabi ni Batang Pier governor Erick Arejola sa pagsagupa nila sa Hotshots nang walang import.
Sa alas-5 ng hapon ay magtutuos ang NLEX (3-5) at sibak nang Phoenix (1-7).
- Latest