Dahil sa mga pagbaha Pangulong Marcos pinapa-update mapa ng Pilipinas
MANILA, Philippines — Pinapa-update ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang flood maps sa Pilipinas.
Sinabi ni Pangulong Marcos na mahalaga na ma-update ang mapa dahil nagbabago na ang agos ng tubig baha sa mga nakalipas na panahon.
“What we’re going to have to do here is we’re going to have to really look and see what are the changes that have happened,” pahayag ng Pangulo sa situation briefing sa Antipolo dulot ng bagyong Enteng.
Tinukoy ni Pangulong Marcos ang ilang lugar sa Metro Manila na dati ay hindi binabaha, subalit nalubog sa tubig noong manalasa ang bagyong Carina.
“Like in the case of Carina in Metro Manila, there were very distinct, there were identifiable causes why they haven’t had that flooding for 15 years but they now did,” ayon pa kay Marcos.
Kaya hinala ng Pangulo maaring nababarahan na ang mga daluyan ng tubig dahil sa urbanisasyon dulot ng pagdami ng mga proyektong pabahay.
Base sa pag-aaral ng DENR, ang maraming pabahay sa Rizal ang isa sa mga dahilan ng pagbaha.
Subalit ayon sa Pangulo, kailangan ngayon ng pamahalaan ang “large-scale, long-term” plan sa flood control program.
- Latest