Nakumpiskang mga puslit na gulay sa Navotas, kontaminado – BPI
MANILA, Philippines — Kinumpirma ng Department of Agriculture- Bureau of Plant Industry (DA-BPI) na may pesticides, microbiological contaminants at heavy metals, gayundin ng mga microbiological contaminants ang mga puslit na gulay na nakumpiska mula sa isang warehouse sa Navotas City kamakailan.
Ito ang sinabi ni Agriculture Secretary Francisco P. Tiu Laurel, Jr. mula sa ulat ni Bureau of Plant Industry Director Gerald Glenn Panganiban na batay sa isinagawang pagsusuri sa mga sibuyas, kamatis at carrots mula sa cold storage facility ay nadiskubreng may organophosphates, organochlorines, at pyrethroids, mga pesticides na nakakaapekto sa kalusugan ng mga tao at kinakitaan din ng cadmium.
Nakitaan din ito lead na mga heavy metals.
Napatunayan din sa pagsusuri ng BPI na ang naturang mga gulay ay may microbiological contaminants tulad ng E. coli, Listeria monocytogenes at Salmonella spp.
“The food safety analysis confirms that the allegedly smuggled agricultural crops contain pesticide residues, heavy metals, and microbiological contaminants that do not comply with our food safety regulations,”sabi ni Panganiban.
Ang naturang mga puslit na gulay na nakumpiska ng mga awtoridad na may higit 300 tonelada ng sibuyas, carrots, kamatis at iba pang food products ay inangkat mula sa ibang bansa pero walang kaukulang sanitary at phytosanitary import clearances mula sa BPI.
Agad namang na-disposed ang mga kontaminadong gulay upang hindi na makarating sa mga, merkado at iba pang pamilihan.
- Latest