Sa numerology, puwede mong malaman ang mga bagay na makakapagpahina ng iyong physical and emotional condition. Life number ang susi para malaman ang mga bagay na nabanggit. Paano? Halimbawa, birthday mo: May 1, 1970 ( 5 + 1 + 1 + 9 + 7 + 0 = 23 = 5 ang life number).
LIFE NUMBER 5—Mabilis silang maapektuhan ng mga nakakaasar na sitwasyon. Gaano man kagrabe ang sitwasyong kinalalagyan, piliting maging kalmado sa lahat ng oras. Hindi na kailangan ang masusing paliwanag na masama ang epekto sa katawan ng sobrang stress.
LIFE NUMBER 6—Ang kasabihang: “Prevention is better than cure†ay dapat na laging isaisip ng may life number 6. Mabuti na ang iwasang magkasakit kaysa magpagamot ng sakit. Matulungin sa ibang tao pero pabaya naman sa sariling kapakanan lalo na sa kalusugan.
LIFE NUMBER 7—Sila ang walang problema. Maingat sa kalusugan ang may life number 7. Napapakiramdaman agad nila kung may hindi magandang nangyayari sa kanyang katawan. Alam nila ang mga pagkaing makabubuti sa kanilang kalusugan.
LIFE NUMBER 8—Mabilis manghina kapag may problemang gumugulo sa kanyang isipan. Kailangan ang well-balanced diet upang maging matigas ang naturalesa kahit pa maraming iniisip na problema.
LIFE NUMBER 9—Kagaya ng life number 6, sila ay matulungin sa kapwa sukdulang mapabayaan ang sariling kapakanan. Sa ganitong punto, paano mo maipagpapatuloy ang pagsisilbi sa kapwa kung ikaw ay may sakit? Kaya the best thing to do—Alagaan muna ang sarili para makapagsilbi