ANG ALAM ni Emil Caluycoy, hahadlangan niya ang pagkolekta nina Paula at Socrates ng Isang Milyong Piso. “Ano sila, sinuswerte?â€
Pinagpilas-pilas ng milyonaryo ang papeles ng kontratang pirmado nila ng mag-asawa—tungkol sa 1-Million Peso challenge.
Kripp-kriipp-kriiippp.
Hindi pa nanonotaryo ang kontratang iyon; walang public record.
“Ano’ng hahabulin nilang premyo, ha?â€
SA ASYLUM na minumulto, naghahanda na sa nalalabing mga sandali sina Socrates at Paula.
Inilagay nila sa dalawang back pack ang sandamukal na pera.
“Hindi kakasya, Socrates. Kailngang magbawas tayo ng ibang laman ng ating bag.â€
Tinanggal nila ang ilang damit at lalagyan ng pagkain.
Pati pinagbihisan ni Paula ay iniwan sa lapag ng maruming lugar.
Nagkasya naman ang pera. “Hindi naman siguro tayo kakapkapan, ha, Socrates?â€
“Paula, nang pumasok tayo dito, hindi nila binuksan ang ating bag, dapat ngayong palabas na tayo, wala ring kapkapan.â€
“Ano sa palagay mo, Arnelo?†Tinanong ni Paula ang multo.
“Dapat po hindi nila buksan. Tutulan n’yo na lang kung sakali.â€
KRIIINNGG.
Hudyat iyon ng opisyal ng pagtatapos ng 24-oras na 1-Million Peso challenge ni Emil Caluycoy.
Saktong noon lumabas sa asylum sina Paula at Socrates.
Nasa bungad si Caluycoy at ang supervisor ng contest.
Nanalo laban sa mga multo ang mag-asawa; idideklara na ng supervisor. “And the winners are—â€
Pinigil ni Caluycoy ang bayarang supervisor, tinakpan ng malapad na kamay ang bibig nito. “Huwag na lang, kami na ng winners ang bahala.â€
“Opo, sir! Yes po!â€
Pati ang naka-standby na ambulansiya ay pinaalis na ni Caluycoy matapos bayaran ang services ng mga tao.
Naiwan sa labas ng asylum sina Caluycoy at ang mag-asawa.
“Kami ang winners, Mr. Caluycoy. Ibigay mo sa amin ang premyong Isang Milyon!†(ABANGAN ANG WAKAS)