^

Para Malibang

Aswang Family (54)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pilipino Star Ngayon

NAGDILIM na ang paningin ni Grecong tikbalang, desidido nang patayin sa tadyak si Iskong sintu-sinto; alam na dalawang ulit na nitong hinalay ang pang-ibabang kaputol ng misis na manananggal.

“Napakasama mong tao! Napakahalay mooo!”

Tad-tad-tadd.

Si Shalinang manananggal ang kinilabutan. “Greco, huwag kang pumatay! Utang na loob, tama na!”

Bagsak na si Iskong sintu-sinto, wala nang ulirat, duguan, bugbog-sarado na.

“Bawal pumatay ng tao, Greco…hu-hu-huuu.”

Napailing ang tikbalang. Alam na tama ang misis.

“Kahit tayo mga aswang di ba nagkasundo tayong hindi tayo papatay?” luhaang dugtong ng manananggal, kumakampay na palapit na sa pang-ibabang katawan na nakatumba sa lupa.

Nagpapakahinahong itinayo ng tikbalang ang kalahati ng manananggal; saglit pa’y nagdugtong na ang buong katawan.

Hustong sumisilay ang liwanag ng umaga, nagbalik na sa dating anyo ang Aswang Family.

Gu-wii-i-ikk. Gu-wii-i-ikk. Nagwawala pa rin ang biik na hawak ni Aling Mameng.

Napapabuntunghiningang inilapag ito ng matandang babae. “Suwerte mo, biik… muntik ka nang makain namin nang buhay…”

Gruunk. Gruunnkk. Nagtatakbo na ang biik, takot na takot pa rin.

Nagyakap sina Greco at Shalina. Kayhaba at mapanganib ang nagdaang magdamag.

“Pero mahimalang gumaling na ang sugat mo, anak…hindi ka na kailangang  magpaospital…”

“Inay, hindi na ako dapat magpakita sa ospital, kilala na ako doon…malalamang ako’y mana­nanggal…”

“Paano itong napakabastos na tao?” tanong ni Aling Mameng. Wala pa ring malay-tao si Iskong sintu-sinto. “Baka matuluyan ‘to?”

“Basta buhay pa siya at tayo’y aalis na rito, Inay Mameng. Kung siya’y matuluyan, kagustuhan na ho iyon ng Diyos…”

Umunang lumabas ng sagingan sina Greco at Shalina. Napasunod na rin si Aling Mameng. (ITUTULOY)

ALAM

ALING MAMENG

ASWANG FAMILY

BAGSAK

BRVBAR

INAY MAMENG

ISKONG

SHALINA

SI SHALINANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with