Bilyonaryo News Channel humakot ng parangal sa PMPC Star Awards
Patuloy sa pag-abante ang Bilyonaryo News Channel na humakot din ng mga parangal sa Star Awards for TV.
Ang programang Agenda sa pangunguna nina Korina Sanchez-Roxas at Pinky Webb ay nakakuha ng Best News Program award.
Natanggap din ni Korina ang parangal na Best Female Newscaster habang kinilala naman ang programa ni Pinky na On Point bilang Best Public Affairs Program.
Si Marie Lozano rin ay tinanghal bilang Best Lifestyle Host para sa Lifestyle Lab habang si Anton Roxas naman ay nasungkit ang Best Sports Host para sa programang The Scorecard.
Samantala, nananatiling nakatuon ang BNC sa pag-abot sa mas malawak na audience sa parehong tradisyonal at digital na platform.
Ang Bilyonaryo News Channel ay napapanood sa free-to-watch television channel na BEAM TV 31, cable television na Sky Cable 33, Cignal Channel 24, Converge 74, digital media na Cignal Play at official social media pages sa Facebook at YouTube.
- Latest