Karla, magsasampa ng cyber libel?!
Sino nga kaya ang pinaparinggan ni Karla Estrada sa kanyang post?
Ito na kaya ang resbak ng nanay ni Daniel Padilla sa girlfriend ng ex niyang si Jam Ignacio?
Matapos ang pagbanggit ng isang DJ na nagngangalang Jellie Aw kay Karla sa kanyang post ay nag-post naman si Karla ng “Fame whore, Low life people. don’t have Time for this, But my lawyers has. Cyber libel here we go.”
Pero agad din daw iyon binura pero may mga naka-screenshot nito.
Maaalalang sinabi ng DJ na huwag daw idamay ni Karla ang trabaho niya at tinawag pa niya itong mommy dahil nananahimik daw siya.
At mukhang nag-e-enjoy ang mga marites na nakaabang sa kahihinatnan ng away ng dalawa. Biro pa ng iba ay dalhin daw ang mga ito sa dating programa ni Karla na Face to Face na ngayon ay si Korina Sanchez na ang bagong host at doon sila magharap.
Pero bukod nga sa bangayan nila ay isa pa sa pinansin ng mga netizen na mga particular sa grammar ay ang pagka-wrong grammar daw ni Karla.
‘Kaloka lahat na napansin nila noh.
Habang ang ibang tagahanga niya ay suportado ang pagsampa ng kaso sa fiancée ng ex niya ay ang iba naman ay hindi raw nakaka-class kung papatulan niya pa iyon.
Hindi rin daw nakakayaman na bigyan ng atensyon ang “fame whore.”
Kaloka sila noh.
- Latest