Paulo, inatake ang Star Cinema sa naudlot na playdate ng movie nila ni Kim?!
Nagulat ang KimPau fans nina Kim Chiu at Paulo Avelino nang mabasa ang post sa X ng SM Cinema na “April 2025” at may photo ng dalawang Kapamilya star. Sa baba ng photo, nakasulat ang title ng movie nilang My Love Will Make You Disappear.
Wala nang ibang mababasa sa post ng SM Cinema, pero naisip agad ng KimPau fans na nabago ang playdate nang nasabing pelikula. Na-move ang playdate ng movie na unang in-announce na sa Feb. 12 ang showing nang nasabing pelikula na matagal nang inaabangan ng KimPau fans.
Kasunod ng gulat ng fans, ang pagkalungkot sa nabagong playdate ng movie at nangako na susuportahan pa rin ang pelikula anuman ang playdate nito. Sana lang daw, hindi na uli mabago ang playdate ng pelikula.
Bale ba, may tweet si Paulo na “Ma-experience nga na hindi tumapos ng pelikula.” Ibig sabihin nito, parang gusto niyang hindi na tapusin ang movie na nagsu-shooting pa.
Kasunod nito, dinelete ni Paulo sa Instagram niya ang post niya tungkol sa movie at mga ni-repost na post ng Star Cinema. Si Kim, hindi pa nagde-delete ng pubmat ng Star Cinema, pero siguradong nalungkot din sa desisyon ng Star Cinema dahil hinihintay na ito ng marami nilang fans.
Abang-abang tayo sa magiging announcement ng Star Cinema dahil may mga nag-aakalang baka part ng promo ang in-announce na change playdate. Nag-react ang fans, may mga nagalit pa, pero mas lalo silang na-excite na mapanood ang MLWMYD.
Carla, galit sa ginawa ng trike driver!
Nakakatuwa ang reaction ni Carla Abellana habang binabasa ang final script ng Widows’ War dahil parang ayaw i-flip ang next page ng script. Sa mga sumunod na pages ng script yata nakasulat kung sino ang Palacios killers at ayaw niyang malaman.
Sa video, makikita siya na malayo sa kanya ang script at nang mabasa na ang ending ng script, napangiti at pumalakpak pa. Kaya lang, pinagbawalan silang cast na ikuwento at ilabas kung sino ang killers at pumirma pa nga sila ng Non-Disclosure Agreement (NDA), kaya walang dapat mag-leak.
Ibig sabihin nito, sa final episode o bago ang final episode sa Jan. 17 pa malalaman kung sino talaga ang Palacios killers at kung may mastermind man. May kanya-kanyang hula ang viewers at malalaman pa sa pagtatapos ng series.
Speaking of Carla, ni-repost nito ang post ng The Philippine Animal Welfare Society (PAWS) na nagsasabing itutuloy ang sanctions kay Jun Mendoza, ang trike driver na napanood na may nakataling pusa sa trike habang tumatakbo ang sasakyan. Ilang beses kinol ang attention ng driver, pero patuloy sa pagtakbo ng trike.
Ang alibi ng trike driver, mahina ang pandinig niya at hindi narinig ang sigaw ng nag-post ng video na nahihirapan ang pusa. Nag-commit sa PAWS ang witness na si Ken Ordinario na tutulong sa hearing ng criminal case na isinampa laban sa trike driver. Mabuti na lang at nabuhay ang pusa kahit napuno ng sugat at na-trauma ‘yun sa kanyang pinagdaanan.
- Latest