^

Pang Movies

Ashley Cortes, puno ng pag-asa sa awitin

Pang-masa

MANILA, Philippines — Empowering na mensahe ang ibinahagi ng Star Makers International grand winner na si Ashley Cortes sa kanyang debut single na I Rise Above.

Mula sa komposisyon at musika ni ABS-CBN Music operations and creative head Jonathan Manalo ang pop ballad na nagbibigay inspirasyon na lumaban at maging matatag sa gitna ng pagsubok sa buhay.

Pinabilib ni Ashley ang mga manonood sa kanyang husay matapos itanghal bilang grand winner ng global singing competition na Star Makers International na naganap sa Los Angeles, California nitong Hulyo.

Bilang multi-genre singer-songwriter, malawak na ang naging karanasan niya sa pagpe-perform hindi lamang sa Pilipinas kundi pati sa Amerika. Ilan sa Filipino artists na nakasama niya ay sina Freddie Aguilar, Lani Misalucha, Angeline Quinto, Vice Ganda, at Sam Milby.

Naging featured artist at voice over actor din si Ashley sa Pacha’s Pajama, isang interactive children story kung saan nakasama niya ang celebrity cast na sina Mos Def, Cheech Marin, Genevieve Goings at Lester Chambers. Nakapagtapos siya bilang summa cum laude sa Berklee College of Music sa kursong Professional Musical, specializing in songwriting and vocal performance. Nakuha naman niya ang master’s degree sa New York University sa kursong music business.

Napapakinggan ang debut single ni Ashley na I Rise Above sa iba’t ibang digital streaming platforms. Para sa karagdagang detalye, sundan ang Star Music sa Facebook, X (Twitter), Instagram, TikTok at YouTube.

Natural na solusyon sa maayos na kalusugan…

Magpaalam na sa sipon at mag-hello sa pagiging malusog! Ipinakikilala ng Pascual Laboratories, isa sa mga nangungunang pharmaceutical companies, ang Pelargo – ang natural na solusyon na nakakatulong para maibsan ang karaniwang sipon at magpapanatili sa maayos na pakiramdam ngayong holiday season.

Ang PascualLab, isa sa mga pioneer sa phyto o plant-based medicines sa Pilipinas at tahanan ng no. 1 natural na lunas sa ubo na Ascof Lagundi, C-Lium Fibre at iba pang natural-based na produkto ay ngayo’y handog ang PELARGO, na mula sa Pelargonium sidoides DC. Root. 

Sa loob ng maraming siglo, ginagamit ang ugat ng Pelargonium sidoides DC. o South African geranium sa paggamot ng karaniwang sipon sa South Africa at Europe.

Nakakatulong ito sa pagpapagaan ng sintomas ng sipon tulad ng nasal congestion, runny nose, sneezing at sakit ng ulo.

Ang Pelargonium sidoides DC. Root (PELARGO) ay isang natural na decongestant na nagpapaluwag ng plema at pinapabilis ang daloy nito. (DC)

KALUSUGAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with