‘Death’ anniversary ng relasyong KathNiel, ‘di nakalimutan
Kahapon ang anniversary ng breakup nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na kung tawagin ng fans ni Kathryn ay “Death Anniversary” raw. Wala sa bansa ang aktres, lumipad ito pa-Dubai kasama si Alden Richards para sa last leg ng promo nila for Hello, Love, Again.
Kung makaramdam man ng lungkot o mag-senti pa rin si Kathryn sa paghihiwalay nila ni Daniel, hindi magtatagal dahil magiging busy siya sa pagharap sa mga OFW sa Dubai na manonood ng movie.
On Daniel’s side, the day before their break-up anniversary, may mediacon siya para sa Incognito, busy rin siya at busy sa mga nakaraang araw at buwan. Wala rin siyang time na magmukmok, saka nakapag-move on na rin yata ito.
Ang hindi pa nakakapag-move on ay ang kani-kanyang solo fans dahil tuloy pa rin ang kanilang bardagulan.
Anne, pinagtanggol ni Jasmine
Kasama ni Anne Curtis ang kapatid niyang si Jasmine Curtis Smith sa unveiling ng wax figure ni Anne sa Madame Tussauds Hong Kong. Proud sister si Jasmine na pinost sa Instagram account niya ang event at nakipag-picture pa siya kasama si Anne at ang wax figure nito.
Sabi ni Jasmine, “Sestra @annecurtissmith, you keep pushing the limits!!! What a proud moment to witness the unveiling of your @madametussaudshongkong wax figure, so deserving we are so proud of you, we love you.”
Hindi maiwasan ang mga tanong kung bakit nagkaroon ng wax figure si Anne, gaya ng isang netizen na nag-comment ng “I wonder why? Is this Sharon or Vilma I’d understand but Anne Curtis? She can’t even sing or act.”
Hindi na kinailangang sumagot pa ni Anne o ni Jasmine dahil ang netizens na ang sumagot.
Sagot ng isa, wala raw siguro ang idol ng nagtanong kaya nagulat sa pagkakaroon ni Anne ng wax figure. Mas kuwela ang sagot ng isa na dahil sa wax figure ni Anne, hindi na siya mami-miss ng OFW sa Hong Kong. Hindi na rin nila kailangang umuwi ng Pilipinas para makita si Anne, punta na lang sila sa Madame Tussauds Museum.
Charo, kinukwestyon
Isa si Dingdong Dantes sa nag-welcome kay Charo Santos sa Reserve Force at pareho na silang reservist. Sa post ni Dingdong na “Welcome, Ma’am @charosantos, to the Reserve Force, ang sagot ni Charo, “Thank you @dongdantes! Honored to be part of the Reserve Force!”
Marami siyang naimpluwensyang mga kababaihan at gusto na rin nilang maging reservist. Ang daming natuwa sa kanya, hindi nila ini-expect na ang gaya niya ay magiging reservist. May mga kapwa reservist din na nag-welcome sa kanya at kasama sila sa dinner.
Valid ang tanong ng isang netizen na “Did she go to actual on field training” na wala pa nga lang sagot. Parang nag-training nga siya at pumasa siya dahil kung hindi, hindi siya tatanggapin.
Ang ganda ng speech niya, kinuwento ang naging reaction ng mga anak kung ano ang pumasok sa isip niya. Nabanggit nito ang “There’s something being noble about the mission of being a soldier.”
- Latest