Nambu-bully kay Chelsea, nanghingi ng tawad!
Nag-apologize agad ang isang pageant vlogger pagkatapos siyang sitahin ng Miss Universe Philippines Organization dahil sa mga sinabi nitong hindi kaaya-aya kay Miss Universe PH Chelsea Manalo.
Sa isang statement, tinawag ng organization ang comments nito na unfair, insensitive, hurtful and dismissive.”
Maituturing din daw ito na “bullying and irresponsible vlogging especially from an accredited MUPH media partner.”
Dahil dito ay binash vlogger ng supporters ni Chelsea at in 24 hours ay maraming nag-unsubscribe sa kanyang YouTube channel.
Umiiyak naman kaagad itong nagpaliwanag at humingi ng tawad.
Baguhang artist, nasa dugo ang pagkanta
Nasa dugo pala ng Sparkle artist na si Seb Parajillo ang pagiging singer. Halos lahat daw ng mga kamag-anak niya ay musically-inclined at later on lang daw niya na-discover na may talent siya sa pag-awit.
Ang uncle ni Seb na si Harry Santos ang nag-encourage sa kanya na i-pursue ang talent niyang ito. Si Harry kasi ay kontesero sa mga singing contest at naging contestant sa Pinoy Pop Superstar ng GMA 7 noong 2005 kunsaan ka-batch niya sina Gerald Santos at Aicelle Santos..
Bukod sa pagiging isang athlete, nagtapos siya na cum laude sa Meridian International Business, Arts, and Technology (MINT) College sa kursong Entrepreneurship.
Lindsay Lohan, may mga bagong tradisyon!
Bida si Lindsay Lohan sa bagong Netflix Christmas movie titled Our Little Secret. Kasama niya rito sina Kristin Chenoweth, Tim Meadows and Ian Harding.
Tamang-tama raw ang paglabas ng naturang movie dahil gusto niya na maka-create ng holiday memories kasama ang 1-year-old son nila ni Bader Shammas na si Luai. “We’re going to have new traditions. So maybe we’ll have something that’s different that he ends up liking that we create for him,” sey ng aktres.
Excited na rin si Lohan sa 2025 reunion movie nila ni Jamie Lee Curtis na Freakier Friday.
“The movie is really funny. There’s like a lot more heart, there’s a ton of music in this one, which is different. Everything’s bigger, the jokers are bigger. It’s really something. Me and Jamie really threw ourselves into it, and we’re just really, really proud of it.”
- Latest