^

Pang Movies

Mister ni Nova, pitong taon nang nakaratay

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Mister ni Nova, pitong taon nang nakaratay
Nova Villa

Isa sa pinaka-well-loved personality ang komedyanang si Nova Villa na kahit 78 years na ay wala pa rin umano siyang balak magretiro sa kanyang pag-aartista dahil bukod sa nag-i-enjoy pa siya sa kanyang ginagawa, kailangan din umano niyang kumita for her bed-ridden husband na si Freddie Gallegos na pitong taon nang nakaratay magmula nang ito’y ma-stroke seven years ago. Hindi na rin umano ito nakakapagsalita pero matiyaga siyang inaalagaan ni Nova.

Ipinagpapasalamat sa Diyos ng veteran actress ang patuloy na biyaya na kanyang natatanggap (sa pamamagitan ng TV and movie projects) at strength para makayanan niya ang kanyang walang sawang  pag-aalaga sa kanyang may sakit na mister.

Although tumatak siya bilang isang komedyana, she is also capable of doing drama at iba pang genre ng acting.

Nova is reunited sa kanyang Abangan ang Susunod na Kabanata co-stars na sina Tessie Tomas at Noel Trinidad sa pelikulang Senior Moments na pinamahalaan ni Neal ‘Buboy’ Tan na malapit nang matunghayan sa mga sinehan.

Kathryn, nagbago ang isip

Alam mo, Salve A., hindi malayong malagpasan ng pelikulang Hello, Love, Again, ang reunion movie nina Kathryn Bernardo at Alden Richards ang kinita ng nauna nilang pelikula, ang Hello, Love, Goodbye na pinalabas nung 2019 at kumita sa takilya  ng P880-M worldwide maging ang 2023 Metro Manila Film Festival record-breaking movie ng mag-asawanag Dingdong Dantes at Marian Rivera, ang Rewind na kumita ng P889M including its extended run and international screenings.

Sa tatlong araw pa lamang na palabas ng HLA sa mga sinehan nationwide ay kumita na ito ng P245M at hindi pa rito kasali ang box-office receipts nung nakaraang Sabado at Linggo.

Limang taon ang hinintay bago muling nagkasama sina Kathryn at Alden sa pelikula. Ang kaibahan ngayon kumpara sa una nilang pagtatambal ay single na muli si Kathryn at mag-iisang taon na itong hiwalay sa kanyang dating boyfriend (of 11 years), ang matinee idol na si Daniel Padilla.

Nataon naman na single pa rin si Alden kaya hindi malayong mapunta sa totohanan ang pagkakaibigan ng dalawa. 

Sa paniwala ng marami, destined umano sina Kathryn at Alden na magkatuluyan sa totoong buhay balang araw lalupa’t sinabi noon ni Kathryn sa isang interview that she wants to settle down bago siya mag-30. Pero nagbago na nga ito ngayon na 34 na raw ang ideal age para magpakasal.

NOVA VILLA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with