ASAP may Hero’s welcome kay Caloy; Andrea regular na
Samahan ang ASAP family sa isang bonggang pagdiriwang ng Pinoy Pride sa isang Kapamilya Hero’s Welcome para kay Carlos Yulo ngayong Linggo (Setyembre 8) sa pamamagitan ng Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.
Saksihan ang golden performances mula sa OPM icons na sina Gary Valenciano, Martin Nievera, Regine Velasquez, Ogie Alcasid, at Erik Santos sa kanilang pagsalubong sa Olympic gymnast at gold medalist na si Carlos Yulo.
Bibigyang pugay rin ng ASAP ang world dance champion na Team Genesis, na nanalo ng 4 gold at 2 silver medals sa United Dance Organization (UDO) World Street Dance Championships. Sasamahan sila ng dance idols na sina AC Bonifacio, Gela Atayde, at Ken San Jose.
Itodo pa ang sayawan kasama ang pinakabagong miyembro ng ASAP Dance Sirens na si Andrea Brillantes na may dalang hot and sizzling moves kasama sina Chie Filomeno at Anji Salvacion.
Maghanda para sa ultimate biritan showdown kasama ang mga singing champion na sina Morissette, Jona, at Klarisse De Guzman. Sundan ito ng kapana-panabik na performance ni Regine ng kanyang bagong single.
May handog naman sina Joshua Garcia at Julia Barretto na nakakakilig na awitin para sa tagumpay ng kanilang pelikulang Un/happy For You.
Abangan naman ang isang heartwarming Grandparents’ Day tribute kasama ang OPM icons, isang nakakaaliw na kantahan kasama ang Rockoustic Heartthrobs, at ang ubod na sayang talakayan kasama ang ASAP hosts.
Panoorin ang golden ASAP experience ngayong Linggo sa ASAP, 12 nn, sa local TV sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide sa TFC.
Balota ni Marian, mapapanood sa sinehan nationwide
Good news para sa mga supporter ng Balota ni Marian Rivera dahil mapapanood na ang nasabing Cinemalaya film sa mga sinehan nationwide simula Oct. 16.
Inanunsyo nga ito ng GMA Pictures at GMA Entertainment Group kamakailan sa kanilang official social media accounts.
Maraming netizens na ang na-excite dahil matapos maging box-office hit sa Cinemalaya Film Festival noong Agosto ay mapapanood nang muli ang pelikula with its new cut. Komento ng isang netizen: “Ay sa wakas dininig ang aming hiling, ok lang kahit matagal pa showing basta maipapalabas nationwide.”
Matatandaang nagwagi bilang 2024 Cinemalaya Best Actress si Marian sa kanyang pagganap bilang teacher Emmy. Ang Balota ay mula sa direksyon ni Kip Oebanda.
- Latest