Tulad ng Hollywood actor na si Robin Williams, umamin na si singer-actor-composer Janno Gibbs na matagal siyang hindi nagtrabaho noon dahil sa depression. Napansin kasi ng ilang entertainment press na nag-set visit sa location ng family drama series nilang My BFF, na in-interview siya ni Jessica Soho, na ipinalabas kagabi sa Kapuso Mo, Jessica Soho sa GMA 7. Alam daw kasi ni Jessica na dumaan din siya sa depression kaya siya in-interview sa feature ng multi-awarded broadcaster kay Robin Williams.
“Noong time na dumaraan ako sa depression, I denied it,” kuwento ni Janno. “Wala kasi sa culture natin na you seek professional help. Kapag ginawa mo iyon, sasabihin agad may tama iyan o may sayad iyan. Pero hindi ako umabot sa punto na gusto kong mag-suicide. Humingi ako ng tulong and with the support of my family, ng parents ko, ng wife ko, at mga anak ko, nalampasan ko iyon. Inamin ko ito ngayon dahil I want to foster awareness that there’s nothing wrong in seeking help when you’re depressed.”
Ang labis daw niyang pagtaba ang dahilan ng depression ni Janno. Hindi raw niya ma-take na haharap siya sa mga tao na ganun ang hitsura niya kaya iyon, hindi na siya papasok sa work. Nadagdag pa na nagkaroon din siya ng problema sa pagtulog kaya hindi siya makagising ng maaga at nabangsagan siyang laging late.
Thankful si Janno na dahan-dahan na ring nabawasan ang weight niya, naging maayos na rin ang pagtulog niya. Dahil na rin daw ito sa suporta ng family niya. Sa nangyari, na-inspire siya muling mag-compose ng kanta after the Yolanda tragedy, at dumating na rin ang mga offers to do drama series sa GMA 7.
Komedyante at heart pero nagda-drama si Janno ngayon sa My BFF dahil comfortable siyang kasama ang buong cast: Manilyn Reynes, child stars Jillian Ward and Mona Louise Rey, Valerie Concepcion at ang kanilang direktor at production staff.
Isang song na lamang at tapos na ang new album ni Janno sa GMA Records na wish niyang mai-release sa 45th birthday niya sa September 16. Pero kung may gustong gawin si Janno, ito’y ang maigawa niya ng isang song ang singing idol niyang si Basil Valdez at kung makakanta kasama ang idolo, ay isang dream come true sa kanya.
Hindi lang pala sa mga may asawa, mga talents sinusulot na rin!
Bakit kaya may mga taong nanunulot ng talents? Kung minsan, nagugulat na lamang, say, ang isang talent manager na may magtatanong sa kanya na “bakit mo binitiwan ang talent mo at ipina-manage na sa iba?” Hindi naman pala totoo at nagkakabukuhan na lamang na may nagta-try palang sulutin ang alaga niya. Ang sama ninyo, mag-build-up na lamang kayo ng sariling talent ninyo at huwag manulot ng talent nang may talent.