Jennylyn willing magpasikip ng 'flower'

Natawa ang mga reporter sa sinabi ni Jennylyn Mercado sa presscon ng Laser Lipo Arms ng Belo Medical Clinic.

Nag-dialogue kasi si Jennylyn na willing ito na sumailalim sa FemiLift kapag nasundan ang kanyang anak na si Jazz.

Alam ni Jennylyn ang FemiLift, ang vagina tightening procedure na ini-endorso naman ni AiAi delas Alas.

At least, hindi naging ipokrita si Jennylyn na nagpakita ng interes sa FemiLift.

Hindi nagtagal si Dra. Vicki Belo sa presscon ng Laser Lipo Arms dahil ninang siya sa 20th wedding anniversary ni Tessa Prieto-Valdes at ng asawa nito na si Dennis.

Pero bago siya umalis, ipinaliwanag ni Mama Vicki sa entertainment press ang bonggang resulta ng Laser Lipo Arms.

May karapatan si Mama Vicki na ipangalandakan ang procedure na ipino-promote ni Jennylyn dahil nasubukan na rin niya ang Laser Lipo Arms. Nakikipagkumpitensya ang maliit na braso ni Mama Vicki sa manipis na braso ni Jennylyn.

Tama naman ang sinabi nila ng kanyang anak na si Cristalle na nagmumukhang payat ang mga babae kapag maliliit ang kanilang mga braso.

                                                                                                                        

                                                                                                                         Rich kontrabida sa yagit

Hindi ko na nasipot kahapon ang presscon para sa mga contravida actress ng GMA 7 dahil nag-stay ako sa presscon ng Belo Medical Clinic para kay Jennylyn Mercado.

Sunod-sunod ang mga presscon kahapon, nandiyan ang presscon ng Belo Medical Clinic, ang presscon ng GMA 7, ang presscon ng 25th season ng Moments ni Gladys Reyes at ang presscon ng My Destiny ng GMA 7.

Kasali si Rich Asuncion sa mga kontrabida actress ng GMA 7.

Nag-wonder ako dahil hindi naman siya kontrabida sa Kambal Sirena.

May ready answer si Rich sa pagtataka ng mga tao, kontrabida raw siya sa bagong show niya sa Kapuso Network, ang remake ng Mga Batang Yagit.

Bukod kay Rich, ka-join sa listahan ng mga kontrabida actress ng GMA 7 sina Chynna Ortaleza, Thea Tolentino, LJ Reyes, Charee Pineda at Vaness del Moral na hindi rin kontrabida sa recent teleserye na tinampukan niya, ang Rhodora X.

 

Nanay ni gladys may remission

Ang good news na in remission ang kanyang nanay na may sakit na breast cancer ang narinig ko kahapon mula kay Gladys Reyes na sobra-sobra ang pasasalamat sa Diyos.

Kahit in remission ang Mommy Zeny ni Gladys, hindi sila nagiging kampante. Regular pa rin ang check up at pag-inom ng gamot ng mother dear ni Gladys,

Noong Lunes ang birthday ni Gladys. Kung inililihim ng ibang mga artista ang tunay na edad, proud si Gladys sa pagsasabi na 37-years old na siya.

Nagpapasalamat si Gladys dahil binigyan siya ng Diyos ng isang mabait at faithful na asawa. Walang problema si Gladys sa kanyang mister na si Christopher Roxas.

Isang Louis Vuitton bag ang birthday gift ni Christopher kay Gladys. Gusto ni Christopher na may magagamit na bag na maganda ang kanyang misis kapag may pinupuntahan ito na special occasion.

Ginanap nga pala kahapon ang presscon ng 25th season ng Moments sa Liberty Steakhouse sa UP Town Center. Tumawa lang si Gladys nang sabihin ko ang aking duda na nakipag-ex-deal siya sa may-ari ng restaurant para sa libreng presscon ng Moments. Confirmed na confirmed ang hinala ko, base sa reaksyon ni Gladys at sa dialogue nito na nagmana lang siya sa akin.

Show comments