John Prats, Xian Lim tampok sa Aliwan...

MANILA, Philippines - Bongga ang nakalaang musical entertainment para sa taunang selebrasyon  ng Aliwan Fiesta na gaganapin sa ika-24 hanggang  ika-26 ng Abril.

Si John Prats ang magiging co-host ng hiphop vanguard na si Prince Paltuob sa pagtutuos ng Dance Crew League sa ika-24 ng Abril.  Tutugtog naman ang mga bandang Callalily at Grace Note 1:43 sa pagitan ng BBoy showdown.

Co-host naman ng Reyna ng Aliwan pageant si Ange­li Dione Gomez, ang bagong hirang na Miss Tourism International sa ika-25 ng Abril.  Magtatanghal din sina Xian Lim, Princess Velasco, at Brian Termulo, kasama ang Cebuano violinist na si Joseph Brian Cimafranca.

At sa Sabado, ika-26 ng Abril, tampok sa opening number ng awarding ceremonies ang mga sikat na folk-rock stars na sina  Maegan Aguilar, Nicole Asensio, at Tao Aves, habang hosts naman sina Chris Tsuper at Nicole Hyala ng 90.7 Love Radio.

Dadalo rin ang magkapatid na Ana at Irina Feleo bilang continuity hosts ng tv special.

Sasarhan simula Miyerkules, ika-23 ng Abril ang Sotto Street sa CCP Complex.  Sa Sabado, ika-26 ng Abril, ang southbound lane ng Roxas Boulevard, mula Manila Hotel sa A. Bonifacio Street, hanggang Vito Cruz, ay sarado sa trapiko mula alas- 2:00 ng hapon  hanggang alas- 10:00 ng gabi para sa Aliwan Fiesta parade.

Show comments