Vhong mas sumikat nang mabugbog

May dapat ipagpasalamat si Vhong Navarro kina Deniece Cornejo at Cedric Lee - nadagdagan ang box office appeal ng aktor dahil sa alleged mauling at extortion case. Certified blockbuster na ang current starrer ng comedian/dancer!

 Very extensive kasi ang media coverage ng kaso ni Vhong laban sa grupo nina Lee at Cornejo--mula radio, TV, print, at maging social media--kaya tumaas nang husto ang star value ni Navarro.

  Nagtaas na kaya siya ng talent fee? Dapat lang! Sobrang sakit ng katawan at gulo ng isipan ang dinanas niya sa nakaraang mga araw. Kasama na ito sa mga damages na kailangang matamo niya!

 

Kathniel fans nakikisawsaw!

Pati mga tagahanga, nakikisali sa “gulong” Da­niel Padilla at Kathryn Bernardo. Laman din ang mga hate messages ng fans sa Facebook, Twitter, at ibang Internet venues.

Naapektuhan naman din kaya ang mood ng da­lawang young stars dahil sa mga negatibong nabasa sa computer? Baka kasi inaakala nilang true ang mga mensahe.

 

John Arcilla ‘bayani’ na!

 Pati sa mga papel na ginagampanan sa mga indie films, umaasenso si John Arcilla. Dati security guard lang siya sa Hollywood movie na kinunan sa bansa, The Bourne Legacy. Sumunod ang kanyang pagiging sundalong driver ng isang army officer sa British film na Metro Manila.

Biglang nabigyan siya ng promotion sa ginagawang Heneral Luna, na siya ang gumaganap ng title role. Ang historical movie ay mula sa buhay ng Pinoy hero, na kasabayan nina Dr. Jose Rizal at Andres Bonifacio.

 

Galing naman sa ‘sponsor’, young actor grabeng ipagyabang ang mga gamit sa katrabaho

Laging overloaded ang van na ginagamit ng young actor sa taping o shooting. Punung-puno kasi ito ng kanyang mga mamahaling designer clothes at mga sapatos. Imposibleng magamit niyang lahat ang mga bitbit sa kanyang trabaho.

Pinapasikat ang kanyang wardrobe sa mga co-stars, na alam na may sponsor sa pamamakyaw! Hindi ako sure kung pati ang sasakyan may tag na courtesy of…

 

Fan base ng American Idol, bumaba nang matanggal si Malaya

Malaki ang nabawas sa mga viewers ng current season ng American Idol, sa pagkatanggal ni Malaya Watson sa remaining finalists. Baka drama lang ng mga judges na sina Jennifer Lopez and others ang pag-iyak sa pagkatalo ng 16-year-old Pinay.

Si Malaya, kahit eliminated, sigurado na very bright ang kanyang future sa music world. Nakatuon pa rin ang kanyang atensyon sa tagumpay in the very near future.

Puwedeng bumisita siya sa Pilipinas at tumanggap ng mga singing engagement dito.

 

Maja hindi sumuko sa pangarap

Noong una naming na-meet si Maja Salvador karay-karay ng kanyang discoverer/manager na si Chit Ramos, gustong maging singer/dancer ang anak ng yumaong si Ross Rival (brother ni Philip Salvador).

Nakapasok sa ABS-CBN ang dalagita, at naging guest siya sa mga show para sumayaw at kumanta. Nalinya na lang sa mga teledrama si Maja at natuklasan ang kanyang acting talent.

Hanggang ngayon pala, hindi nawala ang kanyang ambisyon na maging recording artist.

Naglabas na ng kanyang debut album ang young actress, Believe mula sa Ivory Records. Pinapatugtog na sa MYX music channel ang kanyang first single at malamang na makasali na ito sa charts next week.

Higit na iinit ang competition nina Sarah Geronimo at Maja Salvador, ngayong kapwa na sila nasa parehong larangan ng pagkanta.

Show comments