^

Pang Movies

Torky at Little Bossing baka mag-No. 1

MASA...RAP - Ernie Pecho - Pilipino Star Ngayon

Mukhang mahihirapan ang pito pang official entries sa Metro Manila Film Festival (MMFF) na kabugin sa No.1 position sa takilya ang Torky and My Little Bossing na bida sina Kris Aquino, Vic Sotto, Bimby, Ryzza Mae Dizon, at Aiza Se­guerra.

Tiyak na ito na ang magiging top grosser sa darating na Christmas season. Super lakas sa box-office ang mga artista rito. In addition to being the queen of all media, Kris is also considered as reyna ng MMFF.

Mag-tiyong Robin at Daniel magbabanggaAn

Head-on collision naman sa box-office ang magtiyuhing sina Robin Padilla (for 10,000 Hours directed by Joyce Bernal), at si Daniel Padilla (for Pagpag) na katambal si Kathryn Bernardo and directed by Frasco Mortiz.

Kahit magbabakbakan sa takilya ang mga Padilla, tiyak naman na kikita ang pelikula nila.

Maricel at Vice susubukan

Susubukan pa ang pwersa ng tambalang Maricel Soriano at Vice Ganda sa kanilang entry na may title na Boy, Girl, Bakla, Tomboy. First team-up nila kaya baka sumadsad sa takilya.

Kimmy Dora Prequel impressive ang script

From an insider, na-chika sa amin na impressive ang script ng Kimmy Dora Prequel, bida sina Eugene Domingo at Piolo Pascual. Subok na ang box-office attraction ng komedyana at malamang na manalo pa ng awards ang third version ng pelikula ng kambal, ayon sa taga-MMFF.

My Super Kap ‘di pa nag-iingay

Sa ngayon, wala pang gaanong ingay ang lahok ng Imus Production at ni Sen. Bong Revilla, na My Super Kap, na katambal  si Toni Gonzaga. Kasama sa cast sina Paolo Avelino, Richard Alden at Bea Binene.

Be Careful expected na ang pagkakasali

Tulad nang inasahan, kasali sa eight official entries ng MMFF Ang Be Careful With My Heart. Siyempre bida sa pelikula ang mga nagpasikat ng teleserye na sina Richard Yap at Jodi Sta. Maria.

Kung may perang pambayad sa sinehan ang mga sumubaybay nito sa TV, baka sakaling makasali sa Magic 5 hits ang Be Careful with My Heart.

Pelikula ni San Pedro Calungsod wala pang makuhang producer

Nagtapat ang isang taga-MMFF na hanggang ngayon, wala pang makuhang producer ang San Pedro Calungsod, Batang Martir, na ididirek ni Francis Villacorta. Kung mahihirapan silang kumuha ng financier for the project, malamang na hindi umabot sa deadline ng MMFF ang napiling isa sa walong entries.

Marami namang mayayamang deboto si San Pedro Calungsod, kahit hindi mga Cebuano. Maaari silang mag-ambag upang makabuo ng puhuhan para sa pelikula ng pangalawang Santong Pinoy. Sana magmilagrong muli si San Pedro Calungsod.

Pangarap ni Gov. ER na maging best actor sa MMFF hindi na matutupad

Hinahanap ng mga taga-media sa listahan ang Boy Golden ni Laguna Gover­nor E.R. Ejercito. Hindi ito pinalad na makasali sa Big 8. Tila hindi pa matutupad ang ambisyon ng actor/politician na maging best actor sa MMFF.

Posible pa naman silang makasali sa Big 8. Tila hindi pa matutupad ang ambisyon ng actor/politician na maging best actor sa MMFF.

Tila hindi magandang gamitin ang Boy Golden sa titulo ng pelikula. Noon ang unang gumanap na Arturo Porcuna, ang yumaong premyadong aktor na si Anthony Alonzo. Disapproved ng MTRCB ang titulo nilang alyas Boy Gol­den, kaya pinalitan ito - Hindi sa Iyo ang Mundo, Baby Porcuna.

Direk mahilig sa ‘orange juice’

Ala-una media na ng madaling-araw nang mag-text ang isang sikat na director sa kaibigang kapwa director — ‘‘Ayos na ang kabayo.’’ Hindi naintindihan ng tumanggap ng message kung ano ang ibig sabihin nang natanggap niyang mensahe.

Sagot naman bigla ni Direk, ayos na ang lalaking gibsung sa akin na parang kabayong mola ang laki ng sandata! Mahilig pa naman si Direk sa orange juice!

vuukle comment

BE CAREFUL

BOY GOLDEN

CENTER

MMFF

SAN PEDRO CALUNGSOD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with