Singer-actor pinakinis ng doktor!

Maraming nagulat sa isang singer-actor dahil ang kinis-kinis na ng face nito. Dati kasi ay puno ng pimples ang face niya kaya hindi maialis na tahimik at mahiyain siya. Pero salamat sa doctor na nag-alaga sa kanya at siguro, dahil bata pa naman siya, success ang procedure na ginamit sa kanya ng kanyang derma doctor. 

Ngayon ay proud na ang singer-actor sa makinis niyang face at hindi na siya mahiyain.

Sunshine hindi nakapag-inarte sa GMA

Hindi nag-inarte si Sunshine Dizon nang i-offer sa kanya ng GMA Network ang role ni Perlita sa pagbabalik-drama niya sa Mundo Mo’y Akin. To think na muli siyang gagamit ng prosthetics pero hindi naman kamukha ng una niyang ginampanan noong si Bakekang, at magkakaroon siya ng anak na dalaga, si Louise delos Reyes as Marilyn na siya ang magpapalaki dahil ang tunay niyang anak, si Lauren Young as Darlene, ay ang best friend niyang si Giselle (Angelika dela Cruz) ang siya namang magpapalaki rito.

May offer na rin pala kay Sunshine na muli siyang umarte sa ibang network pero pinili niyang gawin ang isang episode ng Magpakailanman at kasunod nito ay ang offer ng isang drama series ng GMA 7. Pinag-usapan muna nila iyon ng husband niyang si Timothy Tan dahil priority pa rin niya ang mga anak niyang sina Doreen, two, at Antonio, nine months old. Hindi naman tumanggi si Tim at siya naman ay nag-promise noon na kapag nine months na ang bunso niya ay saka pa lamang niya ito iiwanan. Na-miss din niya for four years ang pag-arte.

 One year contract at two soaps muna ang pinirmahan ni Sunshine sa GMA Network.

True enough, sa pilot episode pa lamang, nakita na ang husay pareho sa acting nina Sunshine at Angelika, na pareho pang pangit, pero si Perlita ay kuntento na sa pagiging mahirap pero masayahin at walang reklamo sa trabaho. Si Rodora/Giselle ay hindi matanggap na lagi siyang pinagtatawanan kaya gusto niyang magkapera para maipaayos ang kanyang mukha. Makalimutan kaya ni Rodora/Giselle na sa paghahangad niya sa pera ay pinanood niyang mamatay ang kanyang amo na ipinamana naman palang lahat sa kanya ang kayamanan nito kaya siya nakapagpaganda? Si Andoy Ranay ang direktor ng Mundo Mo’y Akin.

Show comments