Lady Blazers nagpalakas sa No. 2 spot
MANILA, Philippines — Nakakapit pa rin sa No. 2 spot sa team standings ang defending champion College of Saint Benilde matapos silang tulungan ni Wielyn Estoque sa 25-14, 25-12, 25-13 panalo kontra Emilio Aguinaldo College sa NCAA Season 100 women’s volleyball tournament na nilaro sa EAC Gym sa Gen. Luna St. sa Paco, Manila, kahapon.
Bumira si Estoque ng 13 points mula sa 10 attacks, dalawang service aces at isang block upang akbayan ang Lady Blazers sa panalo at ilista ang 6-1 karta sa likuran ng solo league leader na University of Perpetual Help System DALTA (6-0).
Samantala, sumandig ang Letran sa tikas ni Sheena Vanessa Sarie na kumana ng 17 points sa pagtakas sa San Beda, 22-25, 25-18, 25-13, 25-16 sa ikalawang laro.
- Latest