^

PSN Palaro

Hay naku!

PRESS ROW - Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

Patuloy ang teleserye starring Poy Erram.

As usual or as expected, nag-alboroto na naman ang TNT player. At ngayon, si coach Chot Reyes naman ang nakaalitan.

Nagsigawan sila sa bench habang timeout sa Game 5 ng PBA Commissioner’s Cup nung Linggo.

Malamang, nasabihan na naman si Poy kaya hinagis ang tuwalya. Napundi si coach at sinigawan si Poy at iniwan ang huddle.

Umawat ang ibang players at hinila pabalik si coach.

Dehins maganda tingnan na within the team ang merong alitan or infighting. Nakakababa ng moral.

Kaya ang ending, olats ang TNT sa Ginebra na umangat sa series, 3-2. Pwede na mag-champion ang Ginebra mamaya.

Nung semis, si Glen Khobuntin naman ang na­kasigawan ni Poy sa bench. Teammate. Friendly fire daw. Well, ‘yun ang sabi nila.

Pero kung dumadalas, eh may idea siguro tayo kung nosi ang may problema.

Sa Game 2, nagwala din si Poy. pinagsisisipa ang lahat ng madaanan papunta sa dugout. Wasak ang dingding sa loob.

Sabi ni coach Chot, “fed up” na siya sa ugali ni Poy kaya sinabihan niya na kung dehins siya pwede pagsabihan eh siya na lang ang mag-coach.

Bitawan na kaya ng TNT si Poy?

To be continued.

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with