Eala dinaig ang World No. 25

MANILA, Philippines — Sinapawana ni Filipina tennis sensation Alex Eala si World No. 25 Jelena Ostapenko ng Latvia, 7-6, 7-5, sa kanyang ikalawang sunod na panalo sa Miami Open.
Ang 19-anyos na si Eala, ang World No. 140 ranked, ang unang WTA player mula sa Pilipinas na tumalo sa isang top 30 player.
Si Ostapenko ay dating Grand Slam champion matapos magreyna sa French Open noong 2017.
Nagwagi rin ang Latvian sa 2024 US Open Doubles tournament katambal si Lyudmyla Kichenok ng Ukraine.
Matapos ang panalo ay pumatak ang luha sa mga mata ni Eala.
Swak siya sa round of 32 kung saan niya makakatapat si World No. 5 American Madison Keys.
Nauna nang ginulat ng Pinay netter si Katie Volynets sa Round of 128 sa kanyang kauna-unahang main draw win sa Miami Open.
- Latest