^

PSN Palaro

Lady Knights tusok sa Lady Chiefs

Nilda Moreno - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

MANILA, Philippines — Nagkapit-bisig sina Laika Tudlasan at Samantha Gabrielle Tiratira upang aka­yin ang Arellano Uni­ver­sity at mantsahan ang malinis na karta ng Letran, 25-20, 22-25, 25-23, 25-20, sa NCAA Season 100 women’s volleyball tournament kahapon sa Jose Ri­zal University Gym sa Man­­daluyong City.

Bumanat si Tudlasan ng 19 points mula sa 18 kills at isang service ace para sa Lady Chiefs na inirehistro ang 3-3 karta at ipin0alasap sa Lady Knights ang unang talo sa anim na laro.

Mabangis na sinimulan ng Arellano ang laro nang ikahon ang 25-20 panalo sa first set, pero agad bu­ma­ngon ang Letran upang itabla ang iskor sa 1-1 pa­pa­sok ng third frame.

May tsansa sanang ma­nalo ang Lady Chiefs sa second frame matapos nilang makalamang ng tat­long puntos, 20-17, pero hindi nila nakayanan ang ti­kas ng Lady Knights.

Hindi naman nagpa­baya ang Arellano nang mu­ling ilabas ang kanilang lakas para saklutin ang pa­nalo sa sumunod na da­lawang sets at tapusin ang laban sa apat na sets.

Inilista ni Tiratira ang 16 points, habang bumakas sina Heart Villaflores at Fhaye Mangubat ng tig-si­yam at walong marka, ayon sa pagkakasunod.

Sunod na makakalaban ng Arellano ang Jose Rizal University sa Marso 28 sa EAC Gym.

Nanguna sa opensa ng Lady Knights si Marie Judiel Nitura sa itinalang 23 markers.

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with