Dislocated
Parang TNT ang na-dislocate sa Game 4 ng PBA Commissioner’s Cup best-of-seven finals kontra Ginebra.
Na-dislocate kasi ni Justin Brownlee ang right thumb niya or hinlalaki sa Game 3 loss na nagbigay sa TNT ng 2-1 lead.
Akala ng lahat, dehins makakalaro si Brownlee.
May umugong pa na may replacement import na daw ang Ginebra.
Pero sumipot sa Game 4 sa Antipolo ang Gilas player. Nu’ng nag-warmup, it means kaya maglaro.
Heavily bandaged ang daliri. Sabi nga ni coach Tim Cone, oras na alisin ang bandage, baka mabaklas ang daliri.
Baka exaggeration.
Pero kumana pa rin si Brownlee ng 23 points at 12 rebounds, samantalang ang Best Import, si Rondae Hollis-Jefferson, ang dumugo ng 14 points.
Dikit ang laro hanggang sa fourth quarter, 78-76 for TNT bago kumana ang Gin Kings ng isang 11-0 blast para lumayo.
Napailing na lang ako.
Ang lakas ng impact ng performance ni Brownlee at nanalo ang Ginebra para itabla ang series, 2-2, papunta sa Game 5 mamaya sa Cubao.
Malamang mag-champion ang mananalo mamaya.
- Latest